Kakalabas lang ng Moonton sa pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.08 na nagbigay ng buffs at naghampas din ng nerfs sa ilang heroes. Isa si Julian sa mga tinamaan ng nerf hammer dahil itinuturing siya na masyadong malakas sa kasalukuyang meta.

Pero kung tutuusin, ang fighter/mage ay nakikita pa rin na “overpowered” o OP sa Land of Dawn. Ito ang pinatunayan ng EVOS Icon sa kanilang serye kontra Freakout sa MLBB Development League (MDL) Indonesia Season 6.


Nerfs kay Julian sa pinakabagong MLBB patch

Julian
Credit: Moonton

Enchanced Scythe (Skill) 1

  • Binawasan ang base sustained damage mula 80-220 patungong 65-185

Enhanced Sword (Skill 2)

  • Binawasan ang base sustained damage mula 102-150 patungong 90-130

Enhanced Chain (Skill 3)

  • Binawasan ang base sustained damage mula 80-112 patungong 64-96

Makikita na ang damage mula sa enhanced version ng lahat ng tatlong skills ni Julian ay nabawasan. Gayunpaman, hindi nito naapektuhan ang skill set o mechanism ng kanyang abilities at epektibo pa rin ang mga ito.

Kakaunti lang ang heroes na may skill mechanisms na katulad ng kay Scarlet Raven kaya mahirap itong ma-nerf. Kabilang na sa mga ito sina Selena, Chou at Esmeralda kaya naman halos hindi sila nawawala sa meta.


EVOS Icon pinatunayan na OP pa rin si Julian sa MDL ID Season 6

Credit: EVOS

Sa Week 1 Day 2 ng MDL Season 6, mabilis na winalis ng EVOS Icon ang Freakout kung saan pinili nila si Julian para sa kanilang jungler na si Sutsujin sa Game 2. Nahirapan sa unang limang minuto ang EVOS at kinailangan pa ni Sutsujin na humabol sa EXP at gold dahil napitas siya.

Pero matapos ang early game struggles, umariba na sina Sutsujin at kanyang mga kakampi patungo sa dominanteng 18-8 victory sa loob ng 14 minuto. Kumamada ang jungler ng 4/2/8 KDA at nakapagbitaw ng mahigit 38K damage, sunod sa kanilang Cecilion.



Para sa mga balita patungkol sa MLBB news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa artikulo ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.