Dahil kay Blacklist International star jungler Danerie James “Wise” Del Rosario, nauso ang jungle Bane sa competitive scene maging sa ranked games sa Mobile Legends: Bang Bang.

Sa nakalipas na ONE Esports MPL Invitational 2021 (MPLI 2021), apat na beses namataan ang pamosong jungle Bane ni Wise at nagkamit siya ng disenteng 50% win rate dito. Napansin sa torneong ito ang item build progression ng 21-year-old sa paglalaro ng Frozen King sa jungle.

Narito ang item build guide hango sa jungle Bane ni Wise sa MPLI 2021.


Jungle Bane ni Wise: Item build guide galing sa kanyang performance sa MPLI 2021

  • Boots (pang-jungle)
  • War Axe
  • Blade of Despair
  • Winter Truncheon
  • Endless Battle
  • Malefic Roar

Siyempre, unang binibili ni Wise ang Boots na may jungling effect bonus kapag may Retribution battle spell. Sunod niyang nira-rush ang War Axe. Tinutulungan ng War Axe ang isang jungle Bane na makapag-flash farm dahil bukod sa +45 physical attack nito, pinapabilis din nito ang cooldown ng Crab Claw Cannon (1st skill) at Ale (2nd skill) ng 10% kaya mas napapabilis ang pag-trigger ng kanyang passive na Shark Bite. Napapababa din nito siyempre ang cooldown ng kanyang ultimate na Deadly Catch na kadalasan namang ginagamit sa pagkuha ng Turtle, Lord at turrets.

Credit: Moonton

Sulit din ang unique passive effect ng War Axe na Fighting Spirit para sa isang jungle Bane. Dinadagdagan nito ang kanyang physical attack ng 9 at physical penetration ng 3 sa loob ng tatlong segundo at may max stacks na 8. Bukod pa rito ang 15% movement speed bonus kapag full stack kaya mabilis nakaka-rotate ang jungle Bane sa mga creeps at objectives, at agad na nakakaresponde sa lanes kapag kinakailangan.

Matapos makabili ng War Axe, ina-upgrade ni Wise ang kanyang Boots, kadalasan patungo sa Swift Boots na nagbibigay ng +15% attack speed at may equipment blessing na Bloody Retribution na nakakahigop ng buhay mula sa kalaban. Pinapalitan niya ito ng Tough Boots kapag kinakailangan.

Credit: Moonton

Sunod na bini-build ng two-time MPL PH champion ang Blade of Despair, ang item na nagbibigay ng pinakamalaking physical attack sa Mobile Legends (+160) bukod pa sa Despair passive nito at karagdagang 5% movement speed. Nakukuha ito ni Wise sa bandang 8-minute mark, sakto sa kanyang pagsama sa malalaking team fight, pagbasag ng mga outer turrets at pag-secure sa unang Lord.

Credit: Winter Truncheon

Pagkatapos makakuha ng BOD, bumibili na si Wise ng defensive item na Winter Truncheon para maiwasang mapatay ng burst damage mula sa mga kalaban gamit ang active skill nito na Frozen.

May +60 magic power din ang Winter Truncheon na may dagdag benepisyo sa slow effect ng kanyang Crab Claw Cannon, regen at damage ng Ale, at damage ng Deadly Catch.

Credit: Moonton

Huling binubuo ni Wise ang Endless Battle at Malefic Roar para sa all-out damage na kailangan para sa mga decisive clash sa late game. Ang Endless Battle ay nagbibigay din ng disenteng mana regen, CD reduction, movement speed at physical lifesteal kasama pa ang passive effects nito (Divine Justice at Chase Fate) habang ang Malefic Roar naman ay mayroong matinding physical penetration bonus mula sa Armor Buster passive nito na epektibo sa pagtunaw ng kalaban na tank, Luminous Lord at mga turret.


Stats ng jungle Bane ni Wise sa MPLI 2021

Jungle Bane ni Wise

Sa apat na laro, nakapukol ang jungle Bane ni Wise ng kabuuang kill-death-assist record na 13-12-19 o KDA na 2.67. Kung titignan, medyo mababa ito para sa isang jungler pero dahil Bane ito, ang kanyang pangunahing trabaho ay masiguro ang objectives at mabilis na basagin ang mga tore at base.

Sa katunayan, nakadurog ang Blacklist International ng average na 8.25 turrets (sa isang laban, nabasag nila ang lahat ng siyam na turret) salamat sa napakalaking turret damage nng jungle Bane ni Wise.

Nakapaglista rin siya ng average gold per game na 13,909, sapat para mabuo ang lahat ng kanyang item manalo man o matalo.


Para sa iba pang MLBB guides tulad nito, subaybayan ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.