Kilala si High ng Aura Fire hindi lamang sa gilas niya sa pagganap ng kaniyang core position. Matunog ang pangalan ng esports athlete dahil sa kaniyang mga kakaibang hero picks na isinasalang niya sa jungle, na patuloy na bumubulabog sa isipan ng mga nakakatapat nilang mga koponan.
Pambihira ang isinasalang na mga heroes ng Aura jungler simula pa noong MPL Indonesia Season 8. Mababalikan na isa sa mga unang players na gumamit ng Baxia at Uranus sa jungle ang core player.
Bagamat heavy-sustain heroes ang madalas na isinasalang ni High sa jungle sa pro play, may mga pagkakataon din namang kumukuha siya ng assassin heroes katulad ni Karina, Aamon at Helcurt. Iyon nga lang, heavy defense builds pa rin ang binubuo ng Aura jungler para sa mga nasabing heroes.

Sa pinakahuling laban ng team kontra sa Geek Fam ID, bumalik si High ng Aura Fire sa kaniyang unusual picks sa jungler role. Muling pinabilib ng atleta ang mga miron hawak ang Esmeralda na epektibong sumira ng diskarte ng kalabang team papunta sa panalo.
Ito daw dapat ang mentality ng junglers sabi ni High ng Aura Fire

Matapos ang bakbakan kontra Geek Fam ID, nakapanayam ng ONE Esports ID si High ng Aura Fire para alamin ang kaniyang naging karanasan sa laro, gayundin ang kaniyang pananaw tungkol sa jungler role sa Mobile Legends. Ayon sa esports athelete, dapat alam ng core player ang iaambag niya sa kaniyang koponan.
“I think what should seen from a jungler is to know which objectives to take. And in making his decision, there should be no doubts,” paliwanag ni High sa ONE Esports.
Dagdag pa niya, “In addition, because the jungler can be said to be the ‘heart of the team’, jungle players should make the team mentally-uplifted. ”
Sa madaling sabi, hindi nakapende sa klasipikasyon ng hero ang magagawa ng jungler at patunay ang maniobra ni High ng Aura Fire dito. Anuman ang mapipiling hero, matalinong objective-taking at decision-making, kasam na ang gameplay ng team ang magdidikta kung gaano kadulas ang magiging laro ng isang team.
Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Clayyy ng RRQ Hoshi pinuri ang Rebellion Zion matapos ang kanilang laban sa MPL ID Season 9