Nakabawi ang RRQ Hoshi sa kanilang pagkatalo kontra EVOS Legends sa unang “El Clasico” ng MPL Indonesia Season 9 sa pamamagitan ng 2-1 win laban sa Rebellion Zion sa huling araw ng Week 3.

Madaling naipanalo nila midlaner Deden “Clayyy” Muhammad Nurhasan at RRQ ang Game 1 ngunit hindi nila inakala na may baon palang surpresa ang Rebellion sa Game 2.

Binigay ng RRQ ang Ling para sa kanilang star jungler na si Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar at umarangkada sa simula pero nabaligtad ng Rebellion ang laro at nakuha ang panalo sa loob ng 20 minuto.

Pagdating ng deciding Game 3, RRQ pa rin ang nanaig nang parusahan nila ang over commitment ng Rebellion sa mga clash para mailista ang W bago ang 16-minute mark.

Umangat RRQ sa third spot ng MPL ID Season 9 standings sa pagtatapos ng Week 3 na may 4-2 series record at nanatiling nasa likod ng defending champion ONIC Esports at Aura Fire.

Sa kabila ng panalo, binigyang-papuri ni Clayyy ang Rebellion Zion dahil napahirapan sila nito.


Pinuri ni Clayyy ang Rebellion Zion pagkatapos ng panalo ng RRQ Hoshi

Credit: MPL Indonesia

Tanging magagandang salita lang ang nasabi ni RRQ Hoshi midlaner Clayyy para sa Rebellion Zion sa naganap na post-match press conference. Nasurpresa siya na napahirapan sila ng mga ito lalo na ni jungler Mohammad “JiiSaa” Jihadi Fathan.

“Cukup menantang juga ternyata mereka. Kami tidak memprediksi akan menang dengan skor 2-1 melawan mereka (Medyo challenging ang naging laban. ‘Di namin inakala na magiging 2-1 pa ang panalo namin laban sa kanila),” pag-aamin ni Clayyy.

Sa kabuuan, sinabi ni “Deden from Bogor” na magagaling ang lahat ng kasalukuyang players ng Rebellion, pero inilahad niya kung sino ang pinakamahusay sa kanila at sino ang kailangan pang mas lalong hasain ang kanyang laro.

“Menurut saya yang paling menyulitkan itu tank-nya sih, si Vall. Gaya bermain dia agresif dan kayak nyolot-nyolot gitu dan membuat kami agak sedikit muntul lah. Sementara yang paling kurang itu midlaner-nya sih. Kayaknya dia cuma bisa main Yve deh, sama seperti saya (Sa tingin ko, pinaka-nahirapan kami sa tank nila na si Vall. Agresibo ang kanyang laro. Ang kabaligtaran naman niya ay ang kanilang midlaner [Swaylow]. Parang Yve lang ang kaya niyang laruin, katulad ko),” ani ng dating Genflix Aerowolf player.

Naniniwala rin si Clayyy na malaki ang tsansa ng Rebellion na makapasok sa playoffs ng MPL Indonesia Season 9. Kayang-kaya nila JiiSaa at kanyang kakampi na makipagsabayan basta manatili silang ganado na maglaro.

https://youtu.be/ZLTgx1TATNY?t=12522

Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.