Bumida na sa wakas ang Filipino import ng ONIC Esports na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10). Ginanap ang debut ni Kairi noong ikalawang araw ng unang linggo ng liga nang harapin nila ang Rebellion Zion.

Clutch ang debut ni Kairi sa ONIC Esports. Na-approve kasi ang kanyang KITAS, o limited stay permit card na kailangan para makapaglaro ang mga Pinoy players sa MPL ID, ilang oras bago magsimula ang kanilang laban.

Ramdam ang pagbabagong hatid ni Kairi sa kanyang koponan. Kapansin-pansin ang mas malalakas na hiyawan ng mga fans para sa ONIC Esports, lalo na nang sumabak na sila sa aksyon.

Kairi bumida agad sa unang laro niya sa ONIC Esports

Kairi nag-debut na sa ONIC Esports, MVP agad sa unang laro sa MPL ID Season 10
Credit: ONE Esports

Malinis na winalis ng ONIC Esports ang Rebellion Zion sa unang laban nila kasama ang Pinoy jungler.

Sa unang mapa ng serye, inikutan lang ng Akai ni Kairi ang kanilang mga kalaban. Walang dudang ibinigay sa kanya ang MVP matapos kumana ng apat na kills at 11 assists nang hindi namamatay.

Kairi nag-debut na sa ONIC Esports, MVP agad sa unang laro sa MPL ID Season 10
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Dahil walang nasagot ang Rebellion Zion sa Akai ni Kairi, pinili itong muli para sa kanya sa ikalawang mapa. Malinis na sinelyo ng ONIC Esports ang mga objective sa larong ito, patunay na hindi lang sa mga Assassin hero malakas ang tinaguriang “The Future”.

Tinulungan niya rin makapagtala ang Beatrix ni Calvin “CW” Winata ng pitong kills at tatlong assists para kilalanin bilang MVP ng game two.

‘Di na chemistry ang pinapairal sa lineup ngayon ng ONIC Esports

Bukod sa pangingibabaw ni Kairi, kapansin-pansin din kung paano gumamit ng dalawang magkaibang lineup ang ONIC Esports para walisin ang Rebellion Zion.

Sa unang mapa, bumida sina Butssss, VW, Kairi, Drian, at SamoHt. Pero sa sumunod, pinalitan naman nina Sanz at Kiboy sina Drian at SamoHt. Hindi naman pinalitan ang Pinoy player sa lineup na main jungler na ng koponan.

Kairi nag-debut na sa ONIC Esports, MVP agad sa unang laro sa MPL ID Season 10
Credit: ONIC Esports

Matatandaang ganito rin ang naging stratehiya ng ONIC Philippines noong nakaraang season. Marahil ito ang bakas ni Denver “Coach Yeb” Miranda, na pumasok sa ONIC Esports bilang assistant coach.

Patunay ang panalo ng koponan na hindi lang basta chemistry ng starting five players ang paraan para maging matagumpay. Ngayon, may bagong bentahe ang ONIC Esports dahil tiyak na mas malawak na stratehiya ang kanilang mapapaandar tuwing sasabak sa Land of Dawn.

Sa susunod na linggo ng MPL ID S10, nakatakda namang hanapin nina Kairi at ONIC Esports ang Aura Fire, sa Biyernes, ika-19 ng Agosto, pati na rin RRQ Hoshi, sa Sabado, ika-20 ng Agosto.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.