Maagang natapos ang kampanya ng Bren Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) sa ikalawang-sunod na pagkakataon.

Ito ay matapos mangibabaw ang Smart Omega sa best-of-three serye nila sa ikawalo at huling linggo ng regular season para tapusin ang kanilang tsansa na maka-qualify sa playoffs.

Smart Omega, tinapos ang kampanya ng Bren Esports sa MPL PH Season 9

Vintage Smart Omega ang nagpakita sa crucial na game one ng serye. Lamang kasi ang Bren Esports sa kabuuan ng laban pero nabaligtad ang sitwasyong ito pagdating ng late game.

Bumida si Patrick “E2MAX” Caidic gamit ang Xavier, na unang beses ginamit sa liga, matapos magtala ng game-high 72,823 damage. Kumana rin siya ng 82% kill participation mula sa tatlong kills, at anim na assists kontra isang death.

Kampanya ng Bren Esports sa MPL PH S9, tinuldukan ng Smart Omega
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Sinubukan mang pumalag ng Bren Esports sa tulong ng Ling ni Kenneth “Saxa” Fedelin, hindi ito naging sapat para mapagtagumpayan nila ang serye.

Bagamat wala nang tsansang makapasok sa playoffs ang Bren Esports, may isang laro pa silang natitira kontra TNC Pro Team na nakatakdang ganapin sa ika-10 ng Abril.

Kampanya ng Bren Esports sa MPL PH S9, tinuldukan ng Smart Omega
Credit: MPL Philippines

Sa kabila naman ng panalo ng Smart Omega, hindi pa selyado ang kanilang spot para sa playoffs. Ang serye nila kontra Blacklist International ang magdidikta sa tsansa nilang mapahaba ang kanilang kampanya at madepensahan ang kanilang titulo sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup.


Gaganapin ang kanilang bakbakan kontra kampeon ng M3 World Championship sa ikasiyam ng Abril sa ganap na ika-anim ng gabi.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ganito hihirangin ang Regular Season MVP ng MPL PH ngayong Season 9