Muling pinatunayan ng Women’s Division ng SIBOL MLBB kung bakit kinatatakutan ang Pilipinas sa larangan ng Mobile Legends esports.

Ito ay matapos nilang itumba ang pangkat ng Malaysia sa semifinal round upang umarangkada papunta sa gold medal match ng 32nd Southeast Asian Games (SEAG) na ginanap sa Phnom Penh Cambodia.


Kampanya ng Women’s Division ng SIBOL MLBB sa 32nd SEAG

Credit: Moonton

Bago maselyo ang tiket sa grand finals ng 32nd SEA Games, kinailangan ng SIBOL MLBB Women’s na mag-perform sa group stages kung saan nagtala sila ng disenteng 1-1 win-loss record.

Pambihira ang entrada ng Women’s MLBB team ng Pilipinas sa kumpetisyon pagkaraang sagasaan ang hometeam Cambodia. Bagamat kinapos kontra sa paboritong Indonesia sa ikalawa nilang best-of-one, sapat ang ipinamalas ng team para maikasa ang semifinal round kontra Malaysia.

Credit: SIBOL

Walang pag-aalinlangan kung sinong hanay ang mas magilas sa best-of-three card na gumulong dahil mabilis na dinispatya ng SIBOL MLBB Women’s ang mga Malay sa pamamagitan ng 2-0 demolisyon.

Sa tagumpay, magkakaroon ang mga Pinoy ng tiyansa na mabawian ang Indonesia sa gold medal match na gaganapin mamayang 3:55 ng hapon.

Credit: SIBOL

Manatiling naka-antabay sa pinakahuli sa MLBB esports sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Chammy ng SIBOL Wild Rift: Sobrang memorable sa’kin kasi na-represent ko yung country ko para sa gold medal