Wagi ang Smart Omega laban sa Bren Esports sa Week 6 Day 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Nakabawi ang Smart Omega sa kanilang besties na Bren Esports nang talunin nila ito sa isang 2-0 sweep. Matatandaan na natalo ang Omega sa Bren noong una silang magkatagpo sa Week 3 ng regular season.

Ito ang pangalawang pagkakataon na hindi nakapaglaro ang star jungler ng Omega na si Kiel VJ “Kielvj” Cruzem, kung kaya’t ang rookie player na si Dean Christian “Raizen” Sumagui ang puumalit sa kanyang posisyon.

Sa post-match interview, may kumpyansang inamin ni Raizen na wala naman syang naramdamang pressure nang palitan nya si Kielvj.

MLBB MPLPH Kelra MVP
Credit: MPL PH

Nang tanungin naman ang Omega gold laner at MVP nga Game 2 na si Grant Duane “Kelra” Pillas kung gaano sya kasaya sa performance ni Raizen. nakangiting sumagot ito ng ”masaya po kasi nakuha na po ulit namin yung tamang timpla [ng team].”

Nagbigay din ng pahiwatig si Kelra na maaaring matagalan ang pagkawala ni Kielvj. Direktang tinanong ito kung may balak pa silang pabalikin ang kanilang star jungler. “May balak pa po, siguro po sa M3,” sagot ni Kelra.

Kinumpirma ni Kelra na maaaring hindi na muna maglaro sa regular season si Kielvj. Ito ay sa kadahilanang may mabigat itong pinagdadaanan.

MLBB MPL PH Raizen Kelra Interview
Credit: MPL PH

Sa pagtatapos ng interview nag-iwan ng mensahe si Kelra para sa kanyang partner sa “K and K Connection.”

“Kaya mo yan, tahiin mo lang ang puso mo. Nandito lang kami.”

Susunod na makakalaban ng Smart Omega ang TNC Pro Team sa October 8, 8:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.