Walang malalabag na alituntunin ng MPL Philippines (MPL PH) kung itutuloy ng Smart Omega superstar gold laner na si Duane “Kelra” Pillas ang pagsanib sa RRQ Hoshi ng Indonesia.

Credit: Smart Omega

Ito ay ayon sa Moonton Esports Operations Executive at MPL PH team liaison na si Joy “Uncle Joy” Calulo, na kinapanayam ng ONE Esports PH tungkol sa legalidad ng posibleng paglipat na ito.


Magiging “non-citizen” player si Kelra sa RRQ Hoshi

Karugtong ito ng patuloy na pag-usbong ng mga haka-haka tungkol sa balak na pagtawid ni Kelra sa RRQ Hoshi, na unang isiniwalat ng kaniyang Omega teammate at mentor na si Billy” Z4pnu” Alfonso sa isang vlog sa Youtube.

Credit: Z4pnu/ Scresnhot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Anuman ang maging desiyon ng 17-anyos na pro, tiniyak naman ni Calulo na legal ang pagsanib ng isang MPL PH pro tulad ni Kelra sa MPL ng ibang rehiyon.

Ipinunto ng opisyal ang nakasaad sa Guideline 3.2.2.1 sa MPL PH Official Rules kung saan nilinaw na maaaring maglaro ang “non-citizens” sa isang team.

Credit: MPL PH Rules/ Screenshot ni Calvin Trilles

“So that means, at most there can be 3 non-citizens in a team but only 2 non-citizen can play at a time. Which makes it so that there is always more local players playing in a team for any given game,” dagdag pa ni Calulo.

Ani pa ng opisyal, bukas daw ang MPL sa ganitong uri ng mga crossover dahil madalas ay nagbubunga ito ng magagandang istorya kasabay na din ng paglahok ng mga fans mula sa iba’t-ibang rehiyon sa mga diskusyon.

“How welcoming are we? Well, we had our MPL-PH Oppa, Panda be one of the coaches (and for some time the main coach) for the Sibol team that won the last SEA Games.”

Kung gugulong nga ang paglipat ni Kelra sa RRQ Hoshi, nasa mga kamay na lamang ng pro ito.


Para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL PH, subaybayan ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.