Matapos ang maligamgam na kampanya sa gumulong na 32nd Southeast Asian Games (SEAG), nangako ang mga manlalarong kasapi sa Indonesian Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) National Team na magpapakita sila ng mas magandang performance sa darating na MLBB Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023).

Ang national team ng bansa na binuo ng mga pro players mula EVOS Legends at ONIC Esports ay maagang nasipa sa group stage ng SEAG, ang isa sa pinamalalang kampanya ng team sa kasaysayan.

Credit: VYN

Gayunpaman, tiwala ang Indonesians na natutuo sila sa mga pagkakamali sa nasabing torneo at makakatulong lamang ito sa kanilang magiging salang sa gugulong na MSC ngayong Hunyo.

Tiwala ang ID pros na iba ang magiging resulta ng kanilang kampanya sa MSC 2023

Credit: Moonton

“Losing at the SEA Games made me so eager to get revenge,” kuwento ng ONIC Esports player at NT roamer na si Nicky “Kiboy” Fernando. “And because I didn’t play much at the SEA Games either, I’m really hungry to compete.”

Samantala, ang kapwa niya ONIC pro na si Gilang “SANZ” ay naniniwalang hindi makakaapekto ang kabiguang natanggap ng national team sa kanilang magiging performance sa MSC 2023.

“No,” banggit ni SANZ. “I think this defeat will make us come back stronger.”

Credit: Moonton

Katuwang ni Kiboy at Sanze, pareho ang linya ng EVOS Legends EXP laner na si Rizqi “Saykots” Iskandar ukol dito.

“For me, there shouldn’t be any bad influence,” sambit ni Saykots. “There is no effect on my team at MSC. I’m thankful that I got knowledge from ONIC players, RRQ, it’s more learning for me to go to MSC.”

Marami pang oras ang mga mga manlalaro mula sa Indonesia na hubugin ang kanilang porma bago gumulong ang MSC 2023. Sa proseso, tatangkain nilang burahin ang masamang ala-ala mula sa nakalipas na SEAG.

Hango ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 3 leksyon mula sa pagkabigo ng Indonesian MLBB team sa 32nd SEA Games