Hindi kilala si Mathaios “Kid Bomba” Chatzilakos ng Deus Vult nang siya ay pumasok bilang isang player sa M5 World Championship.

Ito ang kanyang unang pagkakataon na makipagtagisan ng husay sa M-Series at humaharap sa ilan sa mga pinakamatitibay na koponan ng Mobile Legends: Bang Bang sa buong mundo.

Sa buong torneo, nakagawa siya ng mga nakakabilib na highlights sa EXP lane at ipinakita ang kanyang nakakatuwang personalidad sa screen sa mga post-game interviews — na nakakuha ng atensyon ng mga MLBB fans sa buong mundo.

Ngayong pumutok na ang kanyang pangalan, umaasa siya na mas maraming tao ang makakakilala sa kanya, hindi lamang dahil sa kanyang husay sa laro, kundi pati na rin sa kanyang adbokasiya.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, inilahad ng Deus Vult EXP laner ang kanyang paglalakbay patungo sa kasikatan, paglalagay ng EECA region sa mapa, at paglalarawan ng kanyang mga pangarap para sa hinaharap.



Ang layunin ni Kid Bomba sa M5 World Championship

FlySolo with the management team and players of Deus Vult in M5
Credit: Moonton Games

Binigyang-diin niya ang kakulangan ng pagkilala at pagtanggap ng laro kung saan siya naka-base sa Germany. Dahil sa kanyang lokasyon, siya ay naglalaro sa Eastern European server dahil wala itong dedicated server sa kanyang bansa.

Sa kabila ng mga hamon na ito, nagpatuloy siya, itinaguyod ang anim na taon sa laro hanggang sa wakas ay nakuha niya ang kanyang hinihintay na oportunidad sa Deus Vult at nakapag-qualify para sa M5 World Championship.

“I’m just really glad to be able to finally be here and show the world that I’ve got what it takes to be able to play in M5 and keep up with the best teams,” sabi niya.

Bagaman ang pangunahing layunin niya ay ang manalo sa kumpetisyon, nais din niyang buksan ang daan para sa mas maraming oportunidad sa kanyang rehiyon bilang unang player mula sa Germany sa isang M-series.

“I’ve heard regions complain about not getting recognition. But they’ve never experienced what it’s like to have absolutely none,” pahayag niya.

“For Carvi and me to take the risk, stepping into a different league, sacrificing four weeks of school just to be here and give our best to pursue our passion, says a lot about our commitment to MLBB.”

Saan galing ang in-game name ni Kid Bomba?

Deus Vult's Mathaios "Kid Bomba" Chatzilakos at the M5 World Championship fun fact
Credit: Moonton Games

Ayon sa kanya, ang pangalan ay nagmula sa kanyang kaibigan na si Michael, na nagsasabing “Bomba” tuwing ipinapakita niya rito ang TikTok video ng League of Legends champion na si Gragas na gumagawa ng mga combo.

Kinwento rin niya na ang kanyang kaibigan ay sumisigaw din ng “Kid Bomba” tuwing naglalaro sila ng ranked games, kung kaya’t mas lalong niyang nagustuhan ang pangalan.

“I thought it was pretty funny, and I had different variations like Kid Bombastic and Bomba La Bomba.”  pabahagi niya.

Tungkol sa kanyang reaksyon sa pagbabago at pagdagdag ng Bomba sa mga pangalan ng MLBB players, sinabi niyang masarap sa pakiramdam ang makilala.

“When I first had the name I thought to myself what would happen if other players had the Bomba name,” sabi niya. “I encourage people to change their name, it’s amazing.”

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Mikko ipinaliwanag kung anong pumipigil sa MPL MY teams sa international tournaments