Ang Team SMG ng Malaysia at Team Lilgun ng Mongolia ay nakahanda ng lumahok sa M5 World Championship!

Matagumpay ang dalawang teams sa kanilang mga crossover matches sa M5 Wild Card, at na-selyo ang dalawang huling pwesto sa M5 na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ito ang kauna-unahang beses na nakapag-qualify ang isang team para sa isang M5-series event sa pamamagitan ng inaugural Wild Card tournament.

Ito rin ang unang beses na magkakaroon ng representatib ang Mongolia sa pinakamalaking tournament ng Mobile Legends: Bang Bang.



Team SMG at Team Lilgun papunta na sa Pilipinas matapos ang isang malupit na M5 Wild Card performance

MLBB M5 Wild Card Team SMG
Credit: Moonton Games

Sa group stage, dinomina ng dalawang teams ang kanilang mga grupo, at tinapos ang mga ito ng may flawless 3-0 record.

Ang top seed ng Group A, ang Team SMG, ay humarap sa pangalawang seed ng Group B na Imperio E-sport sa unang crossover match.

Nakuha ng SMG ang kontrol sa unang dalawang laro, pasalamat sa 5/0/5 KDA ng X.Borg ni Aeliff “Smooth” Ariff sa unang laro at sa nakakamatay na Heavy Spin plays ni Kenneth “Saxa” Fedelin gamit si Akai sa pangalawang laro.

Ngunit hindi agad nagpatalo ang Imperio, at pinilit magkaroon ng pang-apat na laro sa serye matapos maselyo ni Marco “Markinho” Colque ang Maniac gamit si Dyrroth para manalo sa pangatlong match.



Ngunit pinakita ng SMG kung sino talaga ang mas malakas sa pang-apat na laro, at nagtapos sa isang flawless Lord dance sa 13-minuto.

Matapos makuha ang Lord buff at ma-eliminate ang tatlong myembro ng Imperio, nakuha ng Team SMG ang kanilang tagumpay.

Naging mas one-sided naman ang pangalawang crossover match sa pagitan ng top seed ng Group B na Team Lilgun at pangalawang seed ng Group A na Niightmare Esports.

Walang pawis na kinuha ng Lilgun ang unang dalawang games, ngunit nagpaka-tigas ang Niightmare Esports sa pangatlong game para ma-extend ito lampas sa 25-minuto.

Ngunit naging matagumpay ang Lilgun sa Lord dance sa 27-minuto at naghingalo na ang Niightmare Esports na depensahan ang kanilang base.



Sinulit ng Team Lilgun ang kaguluhan ng kanilang mga kalaban, at pinatumba ang mga myembro ng Niightmare nang paisa-isa until na-eliminate na silang lahat.

At dahil walang myembro para dumepensa, nasungkit na ng Mongolian squad ang kanilang decisive 3-0 win.

Sasamahan nila ang 14 iba pang qualified na teams sa M5 World Championship group stage simula Disyembre 2.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Heto na ang resulta ng M5 World Championship group draw