Nasa tuktok na muli ang RSG PH ng Mobile Legends: Bang Bang esports!

Tinapos ng RSG PH ang isang matinding tournament run matapos matalo ang tournament favorites na ECHO, 3-1, sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023) grand final para maging kauna-unahang Pinoy team na nanalo ng MPLI title. 

Sumailalim ng krusyal na pagbabago ang koponan bago ang torneo matapos palitan ng dating jungler ng RSG MY na si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto ang star jungler na si John “Irrad” Abarquez.  



RSG PH tinalo ang ECHO, 3-1, sa isang malupit na MPLI 2023 grand final

MLBB MPLI 2023 RSG PH
Credit: ONE Esports

Naselyo ng ECHO ang unang pwesto sa grand final matapos talunin ang HomeBois 2-1 at kapwa MPL PH team na AP Bren 2-0 sa upper bracket.

Nanaig naman ang RSG PH lower bracket matapos ma-eliminate ang See You Soon, HomeBois, at AP Bren para ma-set up ang isang matinding MPL PH showdown laban ang M4 World champions.

Dinomina ng RSG PH ang unang match dahil sa Martis ni Demonkite, na nakakuha ng isang Maniac sa nine-minute mark at tinapos ang laro ng may mahusay na 7/1/11 KDA.



Gumanti naman ang ECHO sa pangalawang laro tangan ang kanilang 11,000 gold lead at 11-3 kill score sa 13-minute mark ng laro.

Ang Wanwan naman ni Benedict “Bennyqt” Gonzales, na tinapos ang laro ng may perpektong 3/0/3 KDA, ang nagdulot ng pinakamalaking damage para sa kaniyang team at nakakuha ng pinakamaraming gold sa laro para matulungan ang kaniyang Orcas na makuha ang panalo.

Sa pangatlong laro, naging back-and-forth ang match, at nagmukhang walang nangungunang team. Nagtuos sila sa Enhanced Lord sa 13-minute mark para sa kalamangan. 

Sa kanilang pagtutuos, nahuli ng Yu Zhong ni Nathaniel “Nathzz” Estrologo ang Guinevere ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno. At dahil wala na ang jungler ng ECHO, nasungkit ng RSG PH ang Lord at nakakuha pa ng tatlong kills para maitulak sa championship point ang serye.



Sa huling laro, nagpakita ng walang humpay na lakas ang RSG PH laban sa ECHO.

Sa 10-minute mark, nanguna na sila kill score (16-2) gold (12,000) bago tuluyang tapusin ang finals sa isang huling push sa base ng kalaban.

MSC 2022 Demonkite
Credit: ONE Esports

Si Demonkite ang itinanghal na Grand Final MVP dahil sa kaniyang pagpapakitang-gilas gamit ang Martis sa buong serye.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Listahan ng MPLI winners sa bawat edisyon