Kilala na ng mga Mobile Legends: Bang Bang at RSG PH fans si Nathanael “Nathzz” Estrologo.  

Kilala ang EXP laner dahil sa kaniyang mahusay na macro skills at expertise sa paggamit ng mga mahirap na heroes tulad nina Benedetta at Paquito.

Ngunit ang hindi mo alam, may kakaibang libangan siya – ang pangongolekta ng mga gagamba.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), kinwento ng esports star ang kaniyang kakaibang hobby at kung paano nag-react ang kaniyang mga teammates noong nagdala siya ng mga gagamba sa kanilang gaming house.  



Hindi kapani-paniwala ang halaga ng ginastos ni Nathzz para sa kaniyang spider collection

MLBB RSG PH Nathzz
Credit: RSG Philippines

Nag-umpisa ang spider-collecting journey ni Nathzz noong iminungkahi ito ni Arvie “Aqua” Antonio sa kanilang boot camp. Matapos maintriga, bumili sila nito online.  

“I joined a lot of spider-related groups just to find places where I can buy them,” ani niya.  

Unang bili niya ay 150 na maliliit na mga gagamba.  

Animals Spider
Credit: Timothy Dykes

Ngunit hindi pa siya napawi dito, bumili pa siya ng mas mahal na spiders na may halagang PHP 150 (mga US$2), at umabot ito sa total na PHP 5,000 (US$90).  

Para sa kaniyang paboritong species, nabanggit niya ang kaniyang hilig sa orb weavers. 

Bagamat nasiyahan ang kaniyang mga teammates dito, hindi natuwa ang kanilang coach na si Brian “Panda” Lim at manager na Lexie.  

“I always frighten my coach and he gets scared all the time,” sinabi niya habang nakangiti. 

Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan. Bago ang MPLI 2023, kinailangan niyang pakawalan ang mga alaga niya.  

“No one will take care of them because no one will feed and care for them while we’re gone for a week” paliwanag ni Nathzz. 

Noong tinanong kung may plano pa niyang ipagpatuloy ang pangongolekta, ibinahagi ni Nathzz na masaya na siya sa kaniyang naging karanasan at wala na siyang intensyon mangolekta muli. 

Gayunpaman, sinabi niya na may sentimental attachment ito para sa kaniya, at may espesyal na lugar ang mga alaga niya sa kaniyang puso.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang mga kwento tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Eksklusibo: Bakit meta bigla si roam Guinevere? RSG PH Light ipinaliwanag ang dahilan