Nagulat ang lahat noong ni-lock in ni RSG PH Light “Dylan” Catipon si roam Guinevere naging dominado sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023) group stage.

Isa siyang fighter hero na mahusay sa mga 1v1. Ngunit naging mas flexible siya dahil sa mga kamakailang pagbabago sa kaniya sa patch 1.8.30.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ibinahagi ni RSG PH Light ang kaniyang opinyon sa hero at kung paano ito gamitin bilang roamer sa iyong ranked games.



RSG PH Light pinatunayan na posible ang roam Guinevere at hinikayat ang lahat na subukan ito sa ranked

MLBB Guinevere RSG PH Light
Credit: Moonton Games

Noong tinanong tungkol kay Guinevere, walang sinabi si RSG PH Light kundi papuri para sa hero.  

“She’s incredibly strong right now; I feel like there’s no one who can counter her,” sabi niya “Even if the enemy goes for a Diggie pick, countering her is still quite challenging.” 

Nakatanggap ng mabigat na buff si Guinevere sa patch 1.8.30 para mas mapalakas ang kaniyang pangalawang skill na Spatial Migration.  

Kaya na nitong ma-stun ang kalaban na nahuli sa unang jump, isang malaking improvement sa dating epekto nito kung saan mapapabagal lamang sila.

MLBB Guinevere
Credit: Moonton Games

Dahil sa adjustment na ‘to, mas mahirap ng makatakas ang mga kalaban gamit ang Flicker o Purify.

Maliban sa kaniyang revamped skills, idiniin ni Light na madaling ibagay si Guinevere sa lahat ng team compositions.

Payo rin niya na gamitin ang Brave Smite battle spell, dahil mas bagay ito gamitin sa Spatial Migration.

“Players who try her usually have a hard time landing her skill two,” dagdag niya. “So playing her multiple times is important if you want to win with her in ranked games.”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at gabay patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: 3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends