Isa si Dylan Aaron “Light” Catipon ng RSG Philippines sa mga pinakamagagaling na roamer sa larangan ng competitive Mobile Legends: Bang Bang.

Sa MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), na ginaganap sa Kuala Lumpur, Malaysia, patuloy ang pagpapakitang-gilas ng Pinoy gamit ang Franco. Sa limang beses na ginamit ng MPL Philippines Season 9 regular season MVP ang hero sa turneo, nakapagtala na siya ng 80% win rate dito.

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Light para ibahagi ang dahilan kung bakit namamayagpag sa kasalukuyang meta si Franco pati na rin ang kanyang pamantayan para masabing mahusay ang gumagamit nito.

Bakit pasok sa meta si Franco sa MSC 2022

Ang basihan ni RSG PH Light sa pagiging magaling na Franco player
Credit: Moonton

Si Franco ang isa most-picked at most successful heroes sa MSC 2022. Pagkatapos balatan ng RSG PH ang Orange Esports sa ikalawang round ng upper bracket, pumalo sa 82% ang win rate ng hero sa 17 beses na napili ito.

May dalawang pangunahing dahilan na binanggit ang manlalaro kung bakit ganito kainit ngayon ang hero sa turneo.

“‘Yung pag-rotate niya sa map, isa na ‘yon, kasi dahil sa passive and sa boots. Then ‘yung pickoff potential niya sobrang bilis… sobrang ganda niyang i-mix sa mga burst heroes,” paliwanag ni Light.

Dagdag movement speed, HP regeneration, at damage sa susunod na skill na ika-cast ang binibigay ng passive ni Franco na Wasteland Force. Kung ipapares nga naman ito sa Rapid Boots na may Conceal blessing, hindi matatawaran ang kakayahan ng hero na makapaglibot sa Land of Dawn.

Ang basihan ni RSG PH Light sa pagiging magaling na Franco player
Credit: Moonton

Tiyak din ang kamatayan ng mahuhuli ng Iron Hook nito. Bagay na bagay nga raw ang tank sa mga Pinoy dahil sa dami ng gumagamit ng Beatrix, na may mataas na burst damage potential. Isa pa nga sa mga pinakamahusay gumamit ng nasabing marksman ang kakampi niyang si Eman “Emann” Sangco.

“Dagdag na rin ‘yung delay sa buff, which is ngayon alam na ng mga team ‘yon kaya hindi na masyadong gumagana,” patuloy niya.

Mabisa rin kasing ipang-invade sa jungle si Franco. Creeps man o ang nagba-buff na hero ang tamaan ng kanyang hook ay mabigat na delay na sa rotation ng kalabang jungler, at malaking tulong naman sa kakampi.


Magaling ka na raw mag-Franco ‘pag di ka naka-counter ng hero na ‘to, ani RSG PH Light

Ang basihan ni RSG PH Light sa pagiging magaling na Franco player
Credit: ONE Esports

Kung maraming dahilan kung bakit malakas ngayon ang hero, isa lang ang basihan ni Light para maturing niyang magaling gumamit ng Franco ang isang manlalaro:

“Bina-base ko ‘yung pagiging Franco user ng isang tao kung naka-counter ba siya ng Atlas. So ‘pag na-counter ka ng Atlas, feeling ko ‘di ka ganun kalakas.”

Likas na counter ang Atlas dahil sa paraan kung paano nilalaro ang parehong hero. Nilalapit kasi ng Frozen Warrior ang mahuhuli ng kanyang Iron Hook sa kanya, pati na rin sa kanyang mga kakampi, bagay na gustong-gusto ng Atlas dahil libreng setup ‘to para ultimate niyang ng Fatal Links.

Ang basihan ni RSG PH Light sa pagiging magaling na Franco player
Credit: Moonton

Panlaban din sa posibleng combo ang passive skill ng Ironclad Kraken na Frigid Breath. Pampabagal kasi ng attack at movement speed ang epekto nito, bukod pa sa kakayahan nitong makapang-disable.

Pangontra naman sa lakas pag-rotate pati na rin sa takot na pwedeng maitanim ng hook ang mobility na binibigay ng Perfect Match. Bonus pang hindi umeepekto sa katawan ng Atlas ‘pag naka-Ejected State ang Iron Hook.

“Wala pang tumatalo sa Franco ko ng Atlas ‘yung katapat ko sa roam eh,” panigurado ni Light.


Ipagpapatuloy ni Light at ng RSG Philippines ang kanilang kampanya sa upper bracket ng MSC 2022.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: RSG PH Demonkite: ‘Hindi ako titigil hangga’t ‘di ko napapatunayan na malakas ako’