May panibagong rehiyon na mangingibabaw sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023). Bakit? Dahil lahat ng anim na Indonesian representatives ay na-eliminate sa tournament

sa kabilang palad, lahat ng representatib ng kanilang katunggaling rehiyon na Pilipinas ay nag-qualify para sa playoffs matapos ang matinding performance sa group stage.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports matapos ang kanilang panalo laban sa Rebellion Zion sa MPLI 2023 playoffs, ibinahagi ni Blacklist International head coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ang kaniyang opinyon sa sitwasyon.



Ayon kay BON CHAN, may isang importanteng mindset ang mga Pinoy teams na wala sa mga Indonesian teams

MLBB Blacklist International BON CHAN
Credit: MPL Philippines

Sa post-match press conference, sinabi niya na dapat pang pahusayin ng mga Indonesian teams ang kaniyang macro skills.

“Whenever I’m watching MPL Indonesia, it’s always like they’re playing brawl,” sabi ni BON CHAN.

“The difference between Filipino and Indonesian teams is that Filipinos [form] objective-eccentric teams while Indonesians are more focused on highlights,” paliwanag niya.

Matapos ang press conference, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports para pag-usapan nang mas malalim ang topic.

Diin niya na ang pagkuha ng maraming kills ay hindi ang pokus, dahil ang diwa ng laro ay tungkol sa pagkuha ng mga objectives at pagwasak ng enemy base.

“In a basketball game, when a team has a big lead, sometimes they just try to extend the lead with a 3-point shot, but as time goes by, they don’t realize the opposing team is already catching up,” sabi niya sa ONE Esports.

“In the case of Mobile Legends, the winning team should not look for kills, but focus on objectives and maintaining that advantage,” ani ni BON CHAN.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Eksklusibo: Kung ang ibang pro players ay nangongolekta ng anime figures – gagamba naman ang kay Nathzz