Matapos iuwi ng Bren Esports ang kampeonato ng M2 World Championship, dalawang ulit muling napanalunan ng Pinoy teams ang M World Series, bukod pa sa dalawang magkasunod na MSC tournaments.

Magkasunod na ginto din ang nasungkit ng Pilipinas sa Southeast Asian Games MLBB tournament (SEAG MLBB) para hiranging three-time champions ng nasabing torneo.

Sa gitna ng pananaig sa international na eksena, may isang torneo na nanatiling mailap sa kamay ng mga Pinoy— ang ONE Esports’ MPL Invitational.

Samahan niyo kaming suriin ang lahat ng mga koponang lalahok mula sa tinaguriang pinakamalakas na MPL region sa buong mundo, kung paano gagana ang istratehiya nila sa ngayong MPLI 2023, at kung bakit napipintong pagkakataon na ito para makuha nila ang mailap na tropeyo.

LAHAT NG DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA MPLI 2023
Lahat ng qualified teams sa MPLI 2023
Bumili na ng tickets para sa ONE Esports MPLI 2023

Dekorado ang Pinoy teams na kalahok sa MPLI 2023

Natatangi ang MPL PH bilang nag-iisang rehiyon sa MPLI 2023  na magsasalta ng mga koponang lahat ay nakatikim na ng tagumpay sa international stage.

Tatlo sa apat na organisasyon na kakatawan sa bansa sa patimpalak sa Jakarta ay nahawakan na ang tropeyo ng M World Series, habang ang isa naman ay nahirang na bilang kampeon ng MSC.

AP. Bren

Selebrasyon ng AP. Bren matapos makuha ang kampeonato ng MPL PH S12
Credit: Moonton Games

Mistulang magniningning lalo ang mabungang 2023 para sa AP Bren sa pagtatapos ng taon.

Matapos tulungan ang Pilipinas makuha ang gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games (SEAG), kasunod pa ang IESF 2023 WEC, kinumpleto ng koponan ang kanilang redemption arc sa MPL PH nang muli nilang makalawit ang kampeonato ng liga matapos ang anim na seasons.

Ang napakalawak na hero pool at solidong early game setups ng koponan ang tumulong sa kanila para tibagin ang tumindig na Blacklist International sa grand final, 3-2, papunta sa titulong pinakamalakas na team sa rehiyon.

Ngayong tinitignan bilang paboritong team na magtatagumpay sa MPLI 2023, maipagpapatuloy kaya ng AP Bren ang kanilang momentum para maging unang Pinoy team na makakapag-uwi ng titulo? 



Blacklist International

MLBB M4 World Championship Blacklist International OhMyV33nus
Credit: Moonton Games

Nagbabalik ang mga nagpauso ng Ultimate Bonding Experience Strategy sa international stage, ngunit sa pagkakataong ito ay sampu ng preskong lineup.

Pagkaraang inanusyo ng MLBB iconic duo na sina Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna and Danerie “Wise” Del Rosario na magpapahinga sila sa MPL PH Season 12, maraming nagduda sa kakayahan ng roster ng Blacklist International na makaselyo ng playoff slot.

Gayunpaman, mabilis na pinatunayan ng hanay na mali ang tantiya ng madla sa kanila pagkatapos umarangkada sa regular season at playoffs para maging grand finalist, kasama pa ng tiket papunta sa M5. Bagamat bigong makuha ng MPL PH korona, ipinakita ng hanay na mapanganib pa rin ang kanilang desimuladong macro play.

Ngayong MPLI 2023, asahan na ipapakita ng Blacklist ang parehong solidong identity at meta-shfiting drafts na ginamit nila maging isa sa pinakamalalakas na teams sa buong mundo.

Heto ang ginawa ng Blacklist para maselyo ang tiket papuntang M5 World Championship

ECHO

Itinaas ng Pinoy team ECHO ang M4 World Championship trophy
Credit: Moonton Games

Bagamat hindi nakapanig sa kanilang high-risk pick-off playstyle ang meta, mabilis na pinatunayan ng ECHO kung bakit sila ang defending world champions sa gumulong na MPL PH Season 12.

Pinili ng Orcas na isalang ang beteranong si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz kapalit ni Tristan “Yawi” Cabrera sa starting lineup, at malaking bahagi ito kung bakit tinapos nila ang regular season bilang numero unong team.

Sa kaamaang-palad, hindi nakuha ng ECHO ang inasam nilang back-to-back MPL PH titles matapos mapatid ng karibal na Blacklist International sa lower bracket final. Gayunpaman, hindi nito sinira ang kumpiyansa ng Orcas, ayon na din sa reigning MPL PH MVP na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno. 

“Hindi pa kami tapos. Mas gigil kami lalo,” aniya matapos ang kanilang playoff run. Ngayong MPLI 2023, susubukang ipamalas ng ECHO ang kalibre na nagdala sa kanila sa tuktok ng MLBB eksena.

Kumpletong listahan ng MPL PH Season 12 awardees

RSG Philippines

MLBB RSG PH MSC 2022
Credit: ONE Esports

2022 ang huling pagkakataon na nakatikim ang RSG Philippines ng tagumpay sa international stage. Isa sa pinaka-sistematikong team sa competitive scene, nanatili ang Raiders bilang top four team sa liga matapos huling mapanalunan ang MPL PH korona noong Season 9.

Sa pinakahuling larga nila, ipinakita nila ang kanilang disiplina at tikas nang kaharapin nila ang ECHO sa MPL PH Season 12 playoffs. Bagamat kinulang sa serye , muling pinaalala ng koponan ni Coach Brian “Panda” Lim na kaya nilang makipagsabayan kaninuman.

Mananatiling nakasandal ang RSG PH fans sa solido nilang roamer na si Dylan “Light” Catipon at consistent na EXP laner na si Nathanael “Nathzz” Estrologo para pangunahan ang kanilang atake sa tangkang makuha ang MPLI 2023 tropeyo.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Road to MPLI 2023: Pagsusuri sa kalakasan ng Indonesian teams