Ilang linggo na lang at magsisimula na ang ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023). At siguradong inaabangan na ng fans ang isa sa mga sikat na international MLBB tournaments na gaganapin ngayong taon sa Jakarta, Indonesia.

Anim na koponan mula sa host country ang kasali, kaiba sa nakaraang edisyon kung saan lahat ng MPL ID teams ay nakasama.

Matapos mag-withdraw ng three-time MPL ID champion ONIC Esports, sasabak ang Geek Fam, Bigetron Alpha, Rebellion Zion, Dewa United Esports, at EVOS Legends para subukang panatilihin ang dominasyon ng Indonesia sa naturang torneo.



Ang Indonesian teams na lalahok sa MPLI 2023

Geek Fam

Geek Fam sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Isa sa mga pinakamainit na koponan ngayon ang Geek Fam. Patunay dito ang pagkuha nila ng dalawang panalo kontra sa superyor na ONIC ID sa grand finals ng MPL Indonesia Season 12.

Matatandaan din na nasaksihan sa MPLI noong nakaraang taon ang unang pag-angat ng Geeks nang makarating sila sa grand finals laban din sa Yellow Porcupines. Mula noon ay patuloy na ang kanilang paglakas, at kinikilala na sila bilang isa sa mga pinakamalakas sa Indonesia.

Isa sa mga bagay na nagpapakinang sa Geek Fam laban sa ibang koponan ay ang kasanayan nila sa meta, kabilang na ang healer meta sa kasalukuyan. Sa katunayan, walang ibang Indonesian team ang nakakasulit ng healer meta na kagaya ng ginagawa nila.

Bigetron Alpha

Bigetron Alpha sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Malas. Iyan ang maaaring salita na maglalarawan sa nangyari sa Bigetron Alpha nitong MPL ID Season 12. Matapos kasing gumapang mula 0-2 deficit at itabla ang serye kontra Geek Fam sa lower bracket final, kinapos sila sa huling laro at nagpaalam sa kanilang pangarap na makapasok sa M5 World Championship.

Sa kabila nito, pinakita ng BTR ang kanilang flexibility. Pwede silang magpasiklab sa MPLI dahil ang mga manlalaro nila ay mayroong malaking hero pool, partikular na sina Hengky “Kyy” Gunawan at Kenneth “Super Kenn” Marcello.

Dagdag pa rito, sinabi ni Calvin “Vyn” sa isang podcast ng Bigetron Alpha YouTube channel na ang kanyang koponan ay napakalakas sa short-term tournaments, at maaari nila itong patunayan sa MPLI 2023.

RRQ

RRQ sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Isa sa mga inaabangang koponan ng fans pagsapit ng MPLI 2023 dahil ito na ang huling torneo ng RRQ ngayong taon bago magsimula muli sa panibagong MPL ID season sa susunod na taon.

Tatak na ng kahit sinong manlalaro sa RRQ ang napaka-agresibong playstyle. Siguradong malaki ang kanilang ambisyon na na ipakitang isa pa rin sila sa pinakamahusay na koponan sa Indonesia.

Ang kanilang masakit na pagkatalo sa nakalipas na season ay isang mapanganib na senyales para sa mga lalahok sa MPLI sapagkat kakaiba magalit ang RRQ. Bukod pa riyan, tiyak na magdadagsaan ang Kingdom sa Senayan para suportahan ang kanilang koponan.

Rebellion Zion

Rebellion Zion sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Bihirang ma-highlight ang Rebellion Zion, at madalas pa nga silang i-underestimate. Pero sa kabila nito, pinakita nila ang kanilang paglakas. At hindi maikakaila na ang pangunahing makina sa likod nito ay ang kanilang roamer na si Zulfikar “AudyTzy”.

Pinamalas ng Blue Bulls ang kanilang tikas sa pamamagitan ng pag-abante sa MPL ID Season 12 playoffs at sa grand finals ng Piala Presiden Esports 2023.

Mahirap hulaan ang kanilang draft dahil sa lawak ng hero pool nila AudyTzy at Attanasius “SwayLow” Sihaloho. Bukod pa riyan, malakas din sila pagdating sa malalaking objective team fights. Kaya naman dapat silang bantayan sa MPLI 2023.

Dewa United Esports

Dewa United Esports sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Baguhan ang Dewa United Esports sa MPL ID, ngunit agad nilang pinatunayan na karapat-dapat silang sumali sa liga. Sa unang season pa lamang nila, agad silang pumasok sa playoffs dala ang mga dating MDL players, maliban kay Supriadi “Watt” Putra.

Pinakita ng Dewa na ang chemistry ay mas mahalaga kaysa sa strategy. Madalas silang gumagawa ng nakakamanghang plays upang manalo sa isang laro. Kilala rin sila sa kanilang lakas pagdating sa late game.

Malaking factor ang presensya ng beteranong manlalaro na si Watt. Bilang gold laner ng koponan, inaasahan siya na buhatin sila kahit pa gaano kalaki ang lamang ng kalaban.

EVOS Legends

EVOS Legends sa MPL ID Season 12
Credit: ONE Esports

Sa mata ng karamihan, bonus para sa EVOS Legends ang makapaglaro sa MPLI 2023 matapos mag-withdraw ng ONIC Esports. Masasabi rin na hindi maganda ang kondisyon ng White Tigers sa kasalukuyan, pero dahil dito ay marami ang nag-aabang kung ano ba talaga ang kaya nilang gawin.

Ano kaya ang babaguhin nila para umangat sa MPLI? Ano na ang pag-unlad ng isa sa mga koponan na may pinakamalaking fan base? Mananatili ba sila sa kanilang sitwasyon, o mahahanap na nila ang tamang timpla?

Sa katunayan, pamoso ang EVOS sa pagiging disiplinado at magaling sa stratehiya. Madalas silang nagpapauso ng mga bagong meta at rotation, at mahusay din sila sa early game. Maghihintay tayo kung magagawa ba nila ito sa darating na torneo.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: AP Bren pinagharian ang MPL PH S12 sa isang dominanteng grand final performance