Si Fanny ay isang jungler na kinakatakutan ng mga marksman dahil kayang-kaya nitong mangpunit ng mga malalambot na hero at makatakas bago ma-punish.
Pero alam mo ba na meron ding marksman hero na pwede ring ipangontra kay Fanny?
Ibinunyag ito sa isang video na in-upload ni RRQ Lemon sa kanyang opisyal na YouTube channel. Sa 12-minutong video, ipinakita ni RRQ Lemon kung pano gamitin si Moskov bilang pangontra kay Fanny.
Paano kinontra ni RRQ Lemon ang Fanny gamit ang Moskov

Ang unang ginawa ni RRQ Lemon ay mag-farm hanggat sa abot ng kanyang kakakaya bago mag-level four ang kalabang Fanny. Ito ay dahil mataas ang tsansa na mag-rotate sa gold lane ang hero ‘pag nakuha na nito ang kanyang ultimate na Cut Throat. Kung kakayanin, dapat ay meron nang Scarlet Phantom ang Moskov bago madalawan sa lane.
Sa pakikipagbakbakan, dapat maayos ang paggamit sa Abyss Walker at Spear of Misery. Kung sapat na ang item, hindi na kailangang mapatama sa pader ang ikalawang skill dahil sapat na ang knock-back ng basic attack lalo na kung palalakasin pa ng Battle Spell na Inspire.
Kung sakaling hindi sapat ang damage para mapatay ang Fanny, gamitin ang unang skill para tumawid sa mga pader. Kahit pa kasi napaka-agile ng assassin na ‘to dahil sa Steel Cables, hindi pa rin nito kaya tumagos sa pader gaya ni Moskov.
Item build ni RRQ Lemon sa Moskov para makontra ang Fanny

Hindi naman nagkakalayo ang mga binuo ni RRQ Lemon sa nakasanayang item build kay Moskov. Bumili siya ng Swift Boots, Scarlet Phantom, Endless Battle, Berserker’s Fury, Windtalker, tsaka Malefic Roar.
Pinalakas ng manlalaro ang Attack Speed, Critical Chance, at Movement Speed, tatlong attribute na makatutulong kay Moskov para makipaglaban at maka-surivive sa mga gank.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MPL ID at MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.