Isa sa mga matunog na tanong ngayon kung paano kontrahin ang Johnson Kadita combo lalo pa’t naging popular ito sa Mobile Legends: Bang Bang Professional Leagues (MPL) sa Indonesia at Pilipinas.

Pagkatapos pausuhin ng Bigetron Alpha ito sa MPL ID Season 9, marami ng teams ang nagsalang ng nakakatakot na strat. Kahit pa ang pinakamalakas na team ngayon sa Pilipinas na ECHO ay ipinakita ang kanilang sariling bersyon nito para walisin ang Blacklist International noong Week 2 ng MPL PH Season 9.

Credit: Bigetron Esports

Hindi rin masisisi ang mga koponang gumagamit ng nasabing golpe de gulat teknik dahil mababaliktad ang kahit anong pagkalugi kapag matagumpay itong magagamit. Lapnos mula sa sandamukal na burst damage ang enemy team na masasagasaan ng tank-mage kombinasyon.

Ngunit sa nakaraang laban ng ONIC Esports at EVOS Legends, ipinakita ng defending champions kung paano epektibong kontrahin ang Johnson Kadita combo.


Wasak ang 100% win rate ng combo sa EVOS Legends vs ONIC Esports

Pumagalawa ang EVOS Legends sa mga koponang sumubok ng combo gamit ang tank at mage sa MPL ID Season 9. Piniloto nina Clover at DreamS ang popular na kombinasyon kung saan tinangka nilang sugpuin ang ONIC Esports sa Game 2 ng serye.

Gayunpaman, hindi naging matagumpay ang performance ng EVOS dahil sa draft na inilabas ng ONIC. Bukod dito, malaking parte ng kanilang pagkatalo ang Cecilion pick nila sa gold lane na hindi nakatulak para mabuksan ang mapa.

Binigo man ng Johnson-Kadita combo ang ONIC dati ay hindi na muling pinayagan ng players ng MPLI 2021 champions na maulit ito. Matalinong lane management at vision sa kalaban ang isinalang ng ONIC para mapigilan ang sopresang gustong dalhin ng EVOS. Dahil dito, naisarado ng Hedgehogs ang serye, 2-0 at epektibong sinagot kung paano kontrahin ang Johnson Kadita combo.


Paano kontrahin ang Johnson Kadita combo ala ONIC Esports

Credit: ONE Esports

Bagamat na-ban ang Diggie, isang hero na maaaring pumigil sa nais gawin ng EVOS, nagawa pa rin ng ONIC Esports na patumabahin ang White Tigers sa game 2 gamit ang matalinong drafting at pilosopiya in-game.

Paano kontrahin ang Johnson Kadita combo? Edith, Yi Sun Shin at Aldous ang naging sagot ng ONIC dito. Global map vision mula sa Aldous at YSS ang nakapagtanggal ng nerbyos na dala ng nasabing kombinasyon. Sa mga pagkakataon namang nakasagasa ang duo ay hinarapan sila ng Edith at YSS para itulak pabalik. 

Malaking bagay ang crowd control na mayroon ang marksman/tank gamit ang kaniyang skill combo. Habang ang YSS naman, may Traceless na kayang tanggalin ang stun effects at makatakas sa nais mangayari nina Clover at DreamS. 

Bukod dito, 90% ng item build ng Aldous ni CW ay defensive items. Kung matatamaan man siya ng burst damage atake, ay may tiyansa pa siyang makaligtas at makakuha ng responde mula sa kaniyang mga teammates. 

Samantala, malaki din ang role na ginampaman ni Kiboy sa kaniyang Selena sa sagot ng ONIC kung paano kontrahin ang Johnson Kadita combo. Sa mga pagkakataong abala ang mga kalaban panoorin kung makakasagasa ang duo ay aktibo siyang humuhuli ng mga walang kamalay-malay na enemy heroes. 

Sa tanong kung paano nila nagawang kontrahin ang Johnson Kadita special, ibinahagi ni SamoHt sa post-match conference ang tugon dito. “The strength of the Johnson Kadita combo is more about the pressure that is given. Because they can provide favorable impromptu pressure. So the positioning must be maintained.”

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Ilang dahilan kung bakit 100 percent ang ban rate ni Valentina sa MPL ID Season 9