Matapos kuhain si Dylan “Light” Catipon, ni-recruit din ng RSG Philippines ang isa pang dating TNC Pro Team standout na si Clarense Jay “Kousei” Camilo para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 9 na magsisimula sa susunod na buwan.

Inilahad ito ng RSG sa isang Facebook post sa ika-17 na kaarawan ng gold laner.

RSG.Kousei
Credit: RSG Philippines

“Kousei boasts a lot of experience in the Land of Dawn, paired with his calm demeanor, he will stand as a pillar in tough situations for RSG Philippines,” ani ng organisasyon sa kanilang pahayag.

(Marami nang karanasan si Kousei sa Land of Dawn at kasama nito ang kanyang kalmadong pagkilos, tatayo siya bilang isang matibay na haligi para sa RSG Philippines sa mga mahihirap na sitwasyon.)


Kousei inaasahang papalit kay Iy4knu

Credit: Kousei

Inaasahang pupunan ni Kousei ang iniwang butas ni MPL veteran Joshwell Christian “Iy4knu” Manaog, na malaki ang ginampanan sa playoff finish ng RSG Philippines sa debut season nito.

Kamakailan ay napagdesisyunan ni Iy4knu na magpahinga muna sa competitive scene at babalik na lang sa Season 10 kaya kinuha ng RSG PH ang ex-TNC gold laner bilang pamalit.

Malaki ang potensyal na pinakita ng 17-year-old pro mula sa Makati sa kanyang unang dalawang season sa MPL kasama ang Work Auster Force na kalauna’y naging TNC Pro Team. Nakilala siya sa paggamit ng sidelane mages tulad nila Alice, Pharsa at Esmeralda.

Sa ngayon, ang dalawang ex-TNC members pa lang ang siguradong manlalaro ng RSG para sa darating na MPL PH Season 9. Wala pang inaanunsyo na kumpletong roster ang koponan.

  • Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto
  • Arvie “Aqua” Antonio
  • EJ “Heath” Esperanza
  • Nathanael “Nathzz” Estrologo
  • Clarense Jay “Kousei” Camilo
  • Kenneth Jianne “Kenji” Villa
  • Dexter “Exort” Martinez
  • Eman “EMANN” Sangco
  • Elyson “GHOST WRECKER” Caranza
  • Dylan “Light” Catipon
  • Brian “Panda” Lim (coach)

Manatiling updated sa mga MPL PH roster changes sa pamamagitan ng pag-like at follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.