Kung magtatanong ka kung sino nga ba ang pinaka-iconic na player sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia, malamang ay maraming magsasabi na ito ay si M. “Lemon” Ikhsan ng RRQ Hoshi.
Simula Season 1 ng liga ay naglalaro na ang batikang mid laner, pero nagdesisyon muna itong magpahinga sa professional scene bago magsimula ang ikawalong season.
Maganda naman ang ipinakita ng koponan kahit wala siya, pero bigo itong makasungkit ng isa pang kampeonato matapos kapusin kontra ONIC Esports sa grand final.
Ngayong magsisimula na ang MPL Invitational 2021 (MPLI 2021) ng ONE Esports, maraming fans ang nagtataka kung babalik na nga ba si Lemon para sa prestihiyosong palaro.
Manager ng RRQ Hoshi, nilinaw kung maglalaro si Lemon sa MPLI o manantiling inactive

Sa isang panayam ng ONE Esports para sa papalapit na turneo, kinlaro ni Bramanthyo “Bram” Rinaldy, manager ng RRQ Hoshi, kung meron nga bang posibilidad na makapaglaro si Lemon sa MPLI 2021.
“I don’t think so because if Lemon wanted to come back, he would have talked to Acil (the organization’s head coach),” he said “We don’t know what the outcome will be.”
Sa makatuwid, mas malamang na hindi lumaro si Lemon sa MPLI 2021, kung hindi siya ipapasok ng RRQ Hoshi sa kanilang lineup bago ang deadline ng roster submission.
Ang legacy ni Lemon sa MPL ID

Isa si Lemon sa mga pinakatanyag na manlalaro professional MLBB scene ng Indonesia. Malaking bahagi siya ng makasaysayang championship runs ng tinaguriang King of Kings noong MPL ID Season 2, Season 5, at Season 6. Sapat na ang mga nakamit niya patunayan ang kanyang ambag.
Isa rin siya sa mga MLBB personalities na may pinakamalaking following sa social media. Maeron siyang apat na milyong subscribers sa kanyang YouTube channel at lahat ng kanyang gameplay videos ay may higit isang milyong views.
Maliit lang ang tsansa na makapaglaro si Lemon sa MPLI 2021, pero nawa’y matupad ang pinaka-aabangang pagbabalik niya sa M3 World Championship o sa MPL ID Season 9.
BASAHIN: Sibling war sa pagitan ng Echo at Aura magaganap sa MPLI 2021
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.