Ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia ang pinakamalaking liga sa MLBB eksena sa bansa. Bawat paggulong ng season nito ay libu-libong mga fans ang sumusubaybay sa mga teams para malaman kung sino ang maghahari sa mga ito.

Bukod sa titulong champions ng MPL ID, ito rin ang paraan para makapasok ang mga koponan sa international competition tulad na lamang ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup at MLBB World Championship kung saan nagtitipon ang pinakamalalakas na koponan sa buong mundo.

Ito ang komprehensibong listahan ng champions ng MPL ID sa bawat season.


Champions ng MPL ID mula Season 1 hanggang Season 9

EventTeamRunner-upScore
MPL ID Season 1Team NXLEVOS3-2
MPL ID Season 2RRQEVOS3-0
MPL ID Season 3ONIC EsportsLouvre3-0
MPL ID Season 4EVOS LegendsRRQ Hoshi3-1
MPL ID Season 5RRQ HoshiEVOS Legends3-2
MPL ID Season 6RRQ HoshiAlter Ego3-2
MPL ID Season 7EVOS LegendsBigetron Alpha4-2
MPL ID Season 8ONIC EsportsRRQ Hoshi4-3
MPD ID Season 9RRQ HoshiONIC Esports4-1

MPL ID Season 1 Champion: Team NXL

Credit: Moonton

Una sa listahan ng champions sa MPL ID ang NXL na binigo ang EVOS sa score na 3-2 sa inaugural season ng liga. Bida sa nasabing roster ng MPL ID S1 champs sina Rave at LJ na tumindig sa harap ng White Tiger standouts na sina Donkey at Oura.


MPL ID Season 2 Champion: RRQ

Credit: Team RRQ

Pinangunahan nina Liam, Tuturu at Lemon ang RRQ para maging champions ng MPL ID Season 2 matapos biguin nanaman ang EVOS sa ikalawa nilang tangka sa kampeonato. Binaon ng Kings of Kings ang White Tigers sa score na 3-0 sa kanilang grand finals bakbakan.


MPL ID Season 3 Champion: ONIC Esports

Credit: Moonton

Dito nabuo ang tinatawag nilang MLBB kage matapos dominahin ng ONIC Esports ang liga at hirangin bilang ikatlong champions ng MPL ID. Sa proseso, itinumba nila ng Louvre sa score na 3-0 sa pangunguna nina Udil, Sasa, Antimage, Psychoo at Drian.


MPL ID Season 4 Champion: EVOS Legends

Matapos mabigong maitaas ang kampeonato ng dalawang ulit, hindi na pinayagan ng EVOS Legends na makawala pa ang tropeyo at pagiging champions ng MPL ID. Mas pinatamis pa ang kanilang kampanya sa pagpapaluhod nila sa karibal na RRQ Hoshi, 3-1 sa likod ng magilas na performances nina Wann, Oura, Rekt, Luminaire at Donkey.


MPL ID Season 5 Champion: RRQ Hoshi

Credit: Team RRQ

Kung napaghigantihan sila ng EVOS Legends noong nakaraang season ay oras naman ng RRQ na makabawi pagdako ng Season 5. Pukpukan ang grand finals serye ng nasabing season ngunit lumabas ang gigil ng Kings of Kings sa huling laro para basagin ang puso ng EVOS na naghangad ng back-to-back kampeonato.


MPL ID Season 6 Champion: RRQ Hoshi

Sinorpresa ng Alter Ego ang lahat ng halos malupig nila ang RRQ Hoshi sa grand final. Ngunit hindi pinayagan ni Alberttt na mawala sa kamay ng Kings of Kings ang kanilang ikalawang title matapos tulungan ang kaniyang team sa clutch moments para isarado ang serye sa 3-2 para hiranging 2-time champions ng MPL ID.


MPL ID Season 7 Champion: EVOS Legends

Credit: ONE Esports

Sa unang pagkakataon, lumabas ang Bigetron Alpha sa karambulan sa playoffs para harapin ang bigating EVOS Legends para sa kanilang unang tangka sa tropeyo. Gayunpaman, ipinamalas ng White Tigers ang kanilang championship experience para kitilin ang pag-asa ng Bigetron, 4-2, at mahirang na 2-time champions ng MPL ID katuwang ng karibal na RRQ.


MPL ID Season 8 Champion: ONIC Esports

Credit: MPL ID

Humiwalay ang Alter Ego sa middle of the pack sa Season 8 ngunit umarangkada sad ulo ang ONIC Esports para maging hari ng regular season. Gayundin ang husay na ipinakita ng koponan sa playoffs, bagamat nilaglag ng RRQ Hoshi sa lower bracket. Mistualng Cinderella story ang inihandog ng Yellow Hedgehog team sa grand finals ng rumbenase sila kontra sa Kings of Kings sa malagkit na 4-3 score.


MPL ID Season 9 Champion: RRQ Hoshi

Credit: ONE Esports

Simula pa lamang ng magbukas ang Season 9, RRQ Hoshi na agad ang koponan na pinaboran ng mga miron na mananalo ng title, katuwang ng Aura Fire na talaga namang nagpakitang-gilas sa kabuuan ng regular season. 

Ngunit, ang Kings of Kings pa rin ang nangibabaw sa nasabing regular season at ipinagpatuloy ito patungong playoffs kung saan nanatili silang walang talo papunta sa pagbabalik nila bilang champions ng MPL ID.

Sa Grand Finals, nabigyan ng pagkakataon ang RRQ na ipaghiganti ang kanilang Season 8 pagkabigo kontra sa ONIC Esports, at hindi sila nagpatumpik-tumpik gawin ito. Nilubog nia ang defending champions sa 4-1 bangin papunta sa kanilang ika-apat na tropeyo.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: RRQ Hoshi niresbakan ang ONIC Esports, kampyon ng MPL ID S9