Lilisan na ng Bren Esports ang beteranong roamer na si Allan “Lusty” Castromayor Jr., anunsyo ng esports organization sa kanilang social media.

Pinasalamatan ng grupo ang batikang tank/support player na lumikha ng mababangis na plays para tulungan silang masungkit ang kampeonato ng M2 World Championship noong 2021.

Sulat ng grupo sa nasabing post, “Journeys have a starting point and a destination. We are neither. We are forever grateful for stopping over with us as you make your way to the other great things you can accomplish, BREN Lusty! ????????

Sinuklian naman ito ng beterano sa sarili niyang post, “THANK YOU FOR LETTING ME PROVE MYSELF AGAIN, Bren Esports????????FOREVER GRATEFUL!”


Pinakawalan na ng Bren si Lusty matapos ang 4 seasons

Credit: Lusty

MPL Philippines Season 5 noong unang pinakawalan ni Lusty ang kaniyang bangis para sa esports org kung saan susi ang kaniyang plays para pa-ingayin ang mga katagang “Bren Lang Malakas”. Dumagundong ito lalo na noong Season 6 nang dominahin ng grupo ang torneyo papunta sa kanilang unang MPL korona.

Patuloy na nagningas ang plays ni Lusty at ng kaniyang koponan sa M2 World Championship kung saan tinulungan niya ang koponan na maiuwi ang unang M series tropeyo para sa rehiyon. Kasabay nito, itinatak ng tank player ang kaniyang pangalan bilang isa sa pinakamagagaling na players sa mundo.

Ngunit hindi lamang sa ilalim ng bandera ng Bren ipinakita ng pro ang kaniyang husay mag-ML. Parte siya ng MLBB national team na sumugkit ng gintong medalya para sa Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong 2019, isa na namang patunay sa dekalibre niyang laro.

Gayunpaman, hindi ligtas si Lusty sa paglipas ng panahon. Sa kaniyang mga huling seasons kasama ang team, hindi naging maganda ang resulta ng kanilang tangka para manumbalik sa rurok ng MPL. Dahilan ito para unti-unting nagparaya ang veteran sa mga up-and-coming players ng team partikular na sa Season 9 kung saan mas nakakita ng play time si Vincent “Joy Boy” De Guzman.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Performance ni Wise sa 31st SEA Games patunay ng kanyang husay bilang jungler