Buong weekend nang pinapatunayan ng Bigeron Era na isa sila sa mga reyna ng Mobile Legends: Bang Bang scene, pero ibang klaseng pangingibabaw ang ipinakita nila kontra Karra sa semifinals ng ONE Esports MLBB Women’s Invitational 2022 (MWI 2022).

Siyam na minuto at 31 segundo lang kasi ang kinailangan nila sa unang mapa ng best-of-three para padapain ang pambato ng Malaysia. Ito na ang pinakamabilis na laro sa gumugulong na all-female tournament.

Lylia ni Cinny, nagpakitang-gilas para sa Bigetron Era

Lylia ni Cinny, nagpakitang-gilas para sa Bigetron Era
Credit: ONE Esports

Nagtala ng kabuuang 27 kills ang pambato ng Indonesia sa nasabing laro, pero ang 14 mula dito ay nanggaling mula sa kanilang midlaner na si Cindy Laurent “Cinny” Siswanto.

Laning phase pa lang ay nagpasiklab na ang Bigetron Era. Sa katunayan, sabay na nakapagtala ng walong sunod-sunod na kills at dalawang assists ang Lylia ni Cinny at ang pagkawala ng energy shield sa mga tier-one turret pagsapit ng ikalimang minuto ng bakbakan.

Matapos ang higit apat na minuto pang pangingibabaw, sinelyo na ng Bigetron Era ang kanilang tagumpay. Bukod sa pagtala ng 85% kill participation, si Cinny rin ang may gawa ng game-high damage na 47,842.

Lylia ni Cinny, nagtala ng 14 kills sa 9 na minutong panalo ng Bigetron Era sa MWI 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Bagamat bahagyan mas matagal ang inabot ng ikalawang mapa ng serye, tagumpay pa rin ang Bigetron Era sa pagdispatsa sa Karra para makaharap ang GPX Basreng sa all-Indonesian grand final.


Lylia ni Cinny, nagtala ng 14 kills sa 9 na minutong panalo ng Bigetron Era sa MWI 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Nakatakdang iraos ang best-of-five grand final sa pagitan ng GPX Basreng at Bigetron Era sa ganap na ika-anim ng gabi. Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MWI 2022 sa Facebook page ng ONE Esports Philippines at YouTube channel ng ONE Esports.

BASAHIN: Excited daw si VIVAL ng Bigetron Era na makaharap ang PH teams sa MWI 2022