Maghaharap nanaman ang Philippines at Indonesia sa pinakamalaking female Mobile Legends: Bang Bang tournament ngayong Enero.

Tampok sa ONE Esports MLBB Women’s Invitational 2022 (MWI 2022) ang pinakamalalakas na all-female teams sa Southeast Asia at isa na dito ang Bigetron Era ng Indonesia.

Sa isang panayam sa star jungler ng koponan na si Vorelle Valencia “VIVAL” Chen, inamin niyang inaabangan niya ang kanilang paghaharap kontra mga kinatawan ng Pilipinas sa turneo.


VIVAL ng Bigetron Era sa pakikipagharap sa Philippine teams na BREN Victress at Smart Omega Empress sa MWI 2022 ng ONE Esports

Excited daw si VIVAL ng Bigetron Era na makaharap ang PH teams sa MWI 2022
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa pre-game interview para sa MWI 2022, natanong si Vival kung aling koponan o rehiyon ang nais niyang makaharap.

“We are actually curious [about] teams [in the] Philippines,” ika niya. “We are very very curious to see their gameplay and how they play.”

(Gusto sana namin makilala ang mga koponan mula sa Pilipinas. Gusto naming makita ang kanilang gameplay at kung paano sila maglaro.)

Bagamat gusto niya rin daw na makaharap ang lahat ng koponang kasali sa MWI 2022, idiniin niyang ang mga koponan mula sa Pilipinas ang pinaka-interesting.

May dalawang kinatawan ang Pilipinas sa turneo, ang BREN Victress at Smart Omega Empress.


Ang paghahanda ng Bigetron Era para sa MWI 2022 ng ONE Esports

Excited daw si VIVAL ng Bigetron Era na makaharap ang PH teams sa MWI 2022
Credit: ONE Esports

Ang lineup ng Bigetron Era ay binubuo ng mga dating miyembro ng Belletron Era, ang koponang nagwagi sa katatapos lamang na Woman Star League Season 4 at kasalukuyang nasa 12-tournament win streak sa Indonesia.

Nang tanungin tungkol sa kanilang paghahanda para sa turneo, ibinahagi ng jungler na pareho lang ito sa mga nakalipas nilang pagsabak. Plano nilang ibigay ang lahat ng kanilang makakaya kahit pa sila na ang pinakamalakas sa kanilang rehiyon.

“Even though we already raised champion titles, like 12 times in a row, that doesn’t mean that we shouldn’t loosen our training,” ani VIVAL ng Bigetron Era. “Everybody still wants a title, especially at MWI 2022.

(Kahit 12 sunod-sunod na beses na kaming nakapag-angat ng championship titles, hindi pa rin kami magpapakampante sa aming page-ensayo.)


Masasaksihan sina VIVAL at ang buong Bigetron Era sa MWI 2022 simula ika-27 hanggang ika-30 ng Enero.

Masusubaybayan ang opisyal na Filipino broadcast ng turneo sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ashqt ng BREN Victress: Patunay sa husay ng kababaihan ang MWI 2022