Abot-tanaw na ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) playoffs para sa karamihan ng mga rehiyon, mas maraming impormasyon na ang nailahad tungkol sa paparating na M4 World Championship na gaganapin sa Indonesia sa susunod na taon.

Inanunsyo ng Moonton sa Facebook ang bilang ng mga slots na makukuha ng bawat rehiyon sa tournament, na may konting pagbabago kumpara nung nakaraang taon.

Ang mga major MPL regions tulad ng Philippines, Malaysia, at Indonesia ay magkakaroon ng dalawang slots bawat isa, habang ang m ga bagong MPL regions naman tulad ng Brazil at Cambopdia ay magkakaroon lamang ng tig-isang representative.

Narito ang bilang ng mga teams na meron ang bawat region sa tournament.


Lahat nang kasaling rehiyon sa M4 World Championship at bilang ng slots

M4 World Championship venue
Credit: Moonton
COUNTRYSLOTS
Indonesia2
The Philippines2
Malaysia2
Singapore1
Cambodia1
MENA (the Middle East and North Africa)1
Myanmar1
Turkey1
North America1
LATAM (Latin America)2
Brazil1
Mekong (Thailand, Laos, and Vietnam)1

Sa unang pagkakataon sa M-Series, ang Commonwealth of Independent States (CIS) ay hindi magkakaroon ng representative para sa season na ito. Ang Singapore ay may isang representative lang din para sa taong ito, hindi tulad ng sa nakaraang M-Series kung saan emron silang dalawa.

Ang mga rehiyon na wala sa M3 World Championship noong nakaraang taon, tulad ng Myanmar at Mekong, ay lalaban na sa pagkakataong ito. Magkakaroon sila ng tig-isang kinatawan na matutukoy sa pamamahitan ng isang qualifier.

Ang magwawagi ay makakakuha ng malaking bahagi ng US$800,000 prize pool. Noong M3 World Championship, ang Blacklist Intenational ng Pilipinas ang nag-uwi ng korona, matapos walisin ang kanilang karibal na ONIC PH sa grand final.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.