Nagbigay ng mga pasilip ang Moonton sa mga bagong battlefield at system adjustment na hatid ng Project NEXT Express 2022 para sa Mobile Legends: Bang Bang at isa na dito ang magic sentry.

Sa isang video na in-upload sa opisyal nilang YouTube channel, ipinakilala sa unang pagkakataon ang isa sa mga pinakamalaking pagbabago na kasama sa paparating na patch. Gamit ang magic sentry, magkakaroon na ngayon ng kakayahan ang mga player na makakuha ng vision simula sa may base hanggang sa jungle area.

Ayon sa developers, matutulungan nito ang dehadong koponan na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanilang mga kalaban na maaari nilang magamit para makabawi.

Dagdag paraan para makabawi mula sa pagkakadehado ang hatid Magic Sentry sa MLBB

Babaguhin ng magic sentry ang pag-facecheck ng jungle sa MLBB
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Maaaring i-activate ang mga sentry mula sa pader ng base. Maaari lang din itong magamit ‘pag may nabasag nang isa sa mga inner turret niyo.

Para magamit ito, kailangang tumayo ng player malapit sa gitna ng pader. Maglalabas ito ng maliwanag na ilaw para mabigyan ng vision ang mga dadaanan nitong lugar. Kaya nitong ma-detect ang bawat hero, creep, pati mga invisible unit.

Akma ang bagong game feature na ‘to sa pinaplanong visual lughting, shadows, at path improvement sa jungle. Samantala, wala pang kumpirmasyon kung hanggang ilang beses nga ba pwedeng gamitin ang magic sentry.

Lahat ng mga paparating na pagbabago sa Project: NEXT Express update sa Setyembre

Babaguhin ng magic sentry ang pag-facecheck ng jungle sa MLBB
Screenshot ni Julian Elona/ONE Esports

Bukod sa magic sentry, ire-redesign din ang lahat ng turret. Tampok na sa disenyo nito ang higanteng pana na kusang iikot depende sa lugar ng target nito.

Mnagkakaroon din ng mga pagbabago sa hero selection screen sa ranked games. Maaari nang ayusin ng mga player ang mga hero depende sa kung gaano karaming beses na nila ito nalaro. Pwede na rin nilang i-flex sa mga kakampi ang huli nilang KDA gamit ang hero.



Ilalatag sa opisyal na servers ang bagong patch sa Setyembre, kasabay ng mga visual rework kina Lesley at Gusion na inanunsyo nitong buwan.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International sa MPL PH S10