Gumulong ang major overhaul sa EVOS Legends roster ngayong season kung saan umalis mula sa lineup ang M World Trio, kasama ang long-time veteran na si REKT.

Nabalita na kasabay ng pag-alis niya sa roster ay ang pagkapaso ng kaniyang kontrata mula sa White Tigers. Hindi na na-extend ang nasabing kontrata, kaya naman hindi maiwasan na maging interesante ang fans kung magkano nga ba ang sinasahod ng dating kapitan ng team.


Vior nabanggit ang sinahod ni REKT mula EVOS Legends

Credit: Vior

Hindi na parte ng EVOS Legends roster si REKT ngunit ang kaniyang abilidad, mga nakamit sa kaniyang karera at ang kaniyang dedikasyon ay hindi matatawaran.

Isa siya sa players sa liga na may pinakamatagal na tenureship dahil mula Season 1 hanggang Season 9 ay naglaro ang beterano para sa White Tigers.

Kaya naman, hindi malabo na malaki ang halaga ng serbisyo ng M1 world champion. At kamakailan ay nabigyan ng ideya ang mga fans kung magkano ba ang nakuha ng EVOS Legends superstar sa esports org.

Sa isang live stream, nabanggit ng nobya at kapwa dating pro na si Vior ang sinahod ni REKT noon. Mistulang nagsisi ang dating ONIC Esports reserve ng mabanggit niya ito ngunit wala naman daw itong problema kung mababanggit na.

Credit: REKT

“It’s okay. I said goodbye. My contract is done,” ani ni REKT na sinundan ng pagpapatuloy ni Vior. “The salary is Rp 50 million a month, guys.”

Kung isasalin sa piso ay magkakahalaga ito ng hindi bababa sa PhP 188,000 kada buwan, mas malaki pa sa sinasahod ng pangulo ng Indonesia na Rp 30 million o PhP 113,000.00

Bigatin si REKT.

Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Kyy ibinahagi kung gaano kalaki ang impluwensya ni Markyyyyy sa Bigetrron Alpha