Inamin ng Bigetron Alpha roamer na si Hengky “Kyy” Kurniawan ang kanyang kasiyahan sa pagsali ni Mark “Markyyyyy” Capacio sa kanyang team sa paparating na MPL ID S10. Ito ay dahil sa positibong impluwensya na dala ng dating ONIC PH player sa laro ng kanyang team.

Bago pa man magsimula ang MPL ID S10, isa na ang Bigetron Alpha sa mga teams na nag-anunsyo ng pagkakaroon ng Filipino players sa kanilang roster. Bukod sa kanila, nagkumpirma rin ang ONIC Esports at Geek Fam ID na mapapalakas ng players mula sa karatig bansa.

Ang pagsali ng M3 World Championship runner-up ay siguradong magbibigay kulay, hindi lang sa Bigetron kung hindi sa kabuuan ng MPL ID S10. Siguradong kakaibang timpla ang dala ng mga bagong players at kanilang kakaibang gameplay sa bagong season.

Ayon sa roamer, nararamdaman na nila ang impluwensya at presensya ng kanilang bagong player sa Bigetron. Inamin niya na malaki ang naitulong ng player upang mapunan ang kanilang mga pagkukulang na matagal nang umiiral.

MPLI 2021 Kyy
Credit ONE Esports

Ito ay direktang sinabi ni Kyy sa ONE Esports sa isang panayam sa sidelines ng Bigetron Esports x Khong Guan Malkist collaboration event sa Central Jakarta noong nakarang Martes, August 9.

“With Markyyyyy coming to Bigetron Alpha, he was able to help us for some factors, maybe it was like there was our strategy that was still lacking and he could cover, telling other techniques that we didn’t know yet. The point is that we can exchange ideas,” sabi ng Bigetro roamer sa ONE Esports.

Kyy inamin ang mga balakid kay Markyyyyy at kanyang mga inaasahan sa Bigetron Alpha

Bigetron Alpha Markyyyyy MPL ID S10
Credit: Youtube/Bigetron TV

Sa kabila ng pagiging kilala bilang mga malalakas na players, marami pa ring mga partido ang nagdududa sa kakayahan ng mga teams na may Filipino players na magningning sa paparating na Season 10. Isa sa mga dahilan ay ang language barrier.

Ang mabilis at swabeng komunikasyon ang isa sa mga bagay na kailangan ng isang team lalo na sa kung makikipaglaban sa isang malaking event gaya ng MPL ID. Kung kaya’t hindi nakakagulat ang pagdududa ng marami.

Inamin rin ni Kyy sa ONE Esports na nandun pa rin ang language barrier kay Markyyyyy. Ngunit unti-unti ay nalalampasan ito ng Bigetron.

“When it comes to us having a language barrier, there must be, but we have some things to be able to overcome it. For example, after practice, we will discuss everything about ‘what this means’, what does that mean’ and we will ask him in full,” sabi niya.

Bigetron Alpha Playoff MPL ID Season 8
Credit: MPL ID

Bukod sa lahat, merong mga personal na inaasahan ang roamer ng Bigetron, lalo na sa pagsali ni Markyyyyy sa Bigetron Alpha at sa pangkabuuang competitive scene ng MLBB Indonesia sa pagdating ng ilang mga Filipino players sa Season 10.

“Hopefully this can make us more developed. As evidenced by the previous seasons, the ones who are dominating are the Philippines because they are the ones who have won a lot,” sabi ni KYY.

“So it is natural that at this time from Indonesia, they want to learn more about some of the factors that the Philippines is like, especially in terms of their training and strategies,” sabi niya.

Tiyak na maraming mag-aabang kung ang Bigetron, pati na rin ang mga teams na kumuha ng Filipino players, ay magkakaroon ng mas maraming achievements kumpara sa nakaraang season ng MPL ID. Tanging panahon at kanilang pagsisikap lang ang makakasagot.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.