Inilahad na sa wakas ng Bigetron Alpha ang kanilang roster para sa darating na MPL Indonesia Season 10. Sila ang ikalawang koponan mula sa walong MPL ID teams na naglabas na ng kanilang lineup.

Galing sa kanilang 5th-6th place finish noong Season 9, sinabi ni BTR CEO Edwin “starlest” Chia na magkakaroon ng major overhaul sa koponan. Pero sa kanilang roster reveal, may ilang pagbabago lang ang nangyari.

Wala na ang kanilang coach na si Steven “Ageee” Age at hindi rin kasama sa anunsyo ang beteranong midlaner na si Deven “Renbo” Markos, na maaaring ikagulat ng ilang Indonesian MLBB fans.

Idinagdag naman sina midlaner Gilang “Falah” Dwi Falah mula sa EVOS Legends/EVOS Icons, midlaner Marcel “Morenoo” mula sa kanilang MDL squad na Bigetron Beta at isang mystery player na tila pamilyar ang itsura.


Si Markyyyy nga ba ang mystery player ng Bigetron Alpha?

Mystery player ng Bigetron Alpha
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Usap-usapan na sasali sa Bigetron Alpha ang dating star gold laner ng ONIC PH na si Mark Christian “Markyyyyy” Capacio sa paparating na MPL ID Season 10. Pinakawalan si Markyyyy ng ONIC PH noong ika-4 ng Hulyo kasunod ang malaking revamp ng koponan.

Lalong umingay ang bali-balita nang mag-post ang 23-year-old player ng Instagram story kasama sina Paul Denver “Coach Yeb” Miranda at Calvin “CW” Winata ng ONIC Esports, na nangangahulugang nasa Indonesia siya.

Credit: IG account ni Markyyyyy

Sa video roster reveal naman ng Bigetron Alpha, mapapansin na nahahawig kay Markyyyyy ang silhouette ng mystery player. Gayunpaman, wala pang opisyal na anunsyo ang BTR kung sino ba talaga ang manlalarong ito na hindi pa ipinapakilala.

Hindi pa rin nila inilalahad ang pagkakakilanlan ng kanilang coach at analyst sa darating na season. Sinabi naman ni CEO starlest na ang tatlong ‘di pa pinapakilalang miyembro ay foreigners na inaayos pa ang kanilang KITAS (Residence Permit Card).

Roster ng Bigetron Alpha para sa MPL ID Season 10

  • Hengky “Kyy” Kurniawan
  • Matthew “Matt” Geraldo
  • Maxwell “MAXXX” Alessandro
  • I Gusti “Xorizo” Made Indra Dwipayana
  • Muhammad Arif “RIPPO” Bin Abdul Halim
  • Marcel “Morenoo”
  • Gilang “Falah” Dwi Falah
  • Mystery player
  • Unknown coach
  • Unknown analyst


Para sa Mobile Legends news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Hango ito sa artikulo mula sa ONE Esports Indonesia.