Isa sa Paul Denver “Coach Yeb” Miranda sa mga pinakarespetadong Mobile Legends coaches sa Pilipinas. Naging matunog ang kanyang pangalan nang maging head coach siya ng ONIC PH sa nakaraang dalawang season ng MPL Philippines at tulungan ang gabayan ang koponan na makapasok sa M3 World Championship.

Hindi lang siya kilala sa pagiging henyo sa laro kundi sa kanyang ugali na palakaibigan at pagiging close sa kanyang mga manlalaro. May maganda rin siyang relasyon sa ilang Indonesian players lalo na ‘yung mga mula sa ONIC Esports at kitang-kita ito sa M3.

Noong ika-20 ng Hunyo, inansunyo ng ONIC PH na hindi na bahagi si Coach Yeb ng kanilang koponan. Matapos ang ilang linggo, ipinakilala naman siya ng ONIC ID bilang bagong miyembro ng kanilang organisasyon, kasama na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol.


Ibinunyag ni Coach Yeb ang kanyang role sa ONIC Esports

Coach Yeb at Kairi sa presscon ng ONIC Esports
Credit: ONE Esports

Kasama si Coach Yeb sa press conference ng ONIC Esports kamakailan. Dito ay ipinakilala siya at si Kairi bilang mga bagong miyembro ng kilalang esports organization sa Indonesia.

Nasa ONIC ID pa sila coach Ahmad “Mars” Marsam at coach Ronaldo “Aldo” Aditya Lieberth. Nangangahulugan ba ito na tatlo na ang coach ng ONIC ID? Agad na tinanong ng ONE Esports si Coach Yeb patungkol dito.

Inamin naman ng Pinoy mentor na hindi siya ang magsisilbing head coach ng ONIC ID sa darating na MPL Indonesia Season 10.

“I confirm that Mars remains the head coach because I can’t speak the language at the moment. I’m still in the process of learning. But in the coaching staff, there’s no really specific position, we’re going to help each other,” sagot niya.

Credit: ONIC Esports

Dagdag pa ni Coach Yeb, magpopokus siya sa pag-improve ng macro game ng ONIC ID.

“As we know, the Philippines is good in terms of macro in MLBB. So that’s what I’m going to try to get into this team.”

Sa isang hiwalay na eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, sinabi rin ni Coach Yeb ang dahilan ng paglipat niya sa Indonesia.

“Kinuha kami ng CEO ng ONIC mismo tapos maganda rin ang offer. Pero personally, gusto ko rin ma-try mag-coach sa ibang bansa para sa growth ng coaching at career ko,” kuwento ng beterano sa ONE Esports.

Para sa MLBB news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.