Marami nang Mobile Legends: Bang Bang players ang naghahanap ng Masha item build guide mula noong nilabas ang MLBB patch 1.6.66.

Kasi nga naman si Masha ay isa sa mga hero na nakatanggap ng malaking buff sa naturang update, kasabay ng iba pang tank heroes tulad nila Grock, Baxia at Gatotkaca.

Credit: Moonton

Sa MPL Indonesia Season 9, hindi nawala si Masha sa drafting phase–pick o ban man–sa unang dalawang araw ng Week 6. Lagi siyang first pick kapag iniiwang open o kaya first-phase ban.

Sobrang lakas ng Wild-oats Fist sa kasalukuyang meta at itinuturing pa nga siyang broken o overpowered (OP) dahil sa mga buff na natanggap niya.


Ginagamit ngayon si Masha bilang roamer

Credit: Moonton

Dati ay nilalaro si Masha ng mga offlaner pero ngayon ay ginagamit na siya bilang roamer dahil sa hirap niyang patumbahin dulot ng kanyang tatlong HP bars.

Bukod dito, ang damage ng kanyang ultimate skill na Thunder Clap ay nakabase na sa kapal ng kanyang HP. Mas makapal ang buhay, mas masakit ang damage nito. Kaya naman kahit ilagay siya sa roam role, kaya niya pa rin makapagbigay ng burst damage.

Ipinakita nila EVOS Legends roamer Thomas “Vall” Galileo at RRQ Hoshi roamer Calvin “Vynnn” ang lakas ni Masha sa competitive match. Si Vynnn nga ay kumuha pa ng Retribution para lalong makapanggulo sa jungle ng kalaban.


Masha item build guide kapag ginamit siya bilang roamer

Halos lahat ng gumagamit ng roaming Masha ay may pare-parehong build.

Pagdating muna sa emblem, pinipili nila ang Fighter emblem at Unbending Will talent (espada ang logo). Ang Unbending Will ay nagpapalakas ng damage hanggang 15% kapag nababawasan ang HP. Swak ito sa kanyang first skill na Wild Power.

Vynnn ng RRQ Hoshi
Credit: Redzi Arya/ONE Esports

Pero may mga gumagamit ng Tank emblem at Concussive Blast o Tenacity talent gaya ng ginawa nila Vynnn at Thall.

Narito naman ang Masha item build guide mula sa pro players ng MPL ID Season 9:

  • Tough Boots o Warrior Boots depende sa kalaban
  • Guardian Helmet
  • Twilight Armor
  • Cursed Helmet
  • Blade Armor
  • Athena Shield / Radiant Armor

Lalong pinapataas ng Masha item build na ito ang kanyang HP maging ang burst damage. Pwede ring baguhin ito depende sa attributes ng kalaban–kung mas nakasandal ba sila sa physical o magic damage.


Hango ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.