May rason kung bakit ganoon na lamang kaingay ang pangalan ni EVOS Tazz DD sa Mobile Legends: Bang Bang Development League Season 5 ng Indonesia. Matapos ang malimit na di pagpapakita noong nakaraang season ay gamay na ngayon ng jungler ang entablado.
Pinangunahan ng 16-taong player ang EVOS icon gamit ang kaniyang high-level mechanics gayundin ang kaniyang versatility. Hindi na rin kagulat-gulat para sa mga miron ang iba’t-ibang isitlo ng atake na isinasalang niya sa bawat laro lalo pa’t napakalawak ng kaniyang hero pool.
Base pa sa datos ng MDL, si EVOS Tazz DD ang lider ng mga players sa larangan ng Gold per minute sa 871 gpm, kaya naman hindi malabo na mapansin ang batang pro ng mga koponan sa pro liga.
Mas pinaigting pa ito ng hinawakan niya ang Masha sa bakbakan nila ng RRQ Sena kung saan pinatunayan niya ang viability ng hero sa jungle.
Wasak ang RRQ Sena sa jungle Masha ni EVOS Tazz DD

Matapos katampukan ng hero ang unang latag ng MLBB Patch 1.6.66, isa na ang Masha sa pinakapopular na hero sa ranked games at competitive eksena. Kahit pa noong Week 6 ng MPL PH at MPL ID, kitang-kita ang prayoridad ng mga teams sa paggamit nito.
Totoo rin ito sa MDL, kung saan patuloy na sumisikat ang paggamit ng fighter/tank. Gayunpaman, hindi inilagay sa tipikal na aggro roam role ng EVOS ang Masha kontra RRQ Sena.
Pinasabik ni Tazz ang lahat ng paganahin niya ang Wild-oats Fist. Bukod sa sobrang bilis na farming, nagawa din niyang sundan ang damage na ibinigay ng Hilda, Dyrroth, Lunox at Beatrix na parte rin ng nasabing draft ng EVOS.
Itinuon lahat ng EVOS Icon jungler ang kaniyang pansin sa pagkuha ng buffs at pagtulak ng mga turrets para makakuha ng kontrol sa mapa. Hindi man nagawang makatulong sa early teamfights ay madali niya itong Nabawi ng nakakuha na siya ng dalawang items.
Malaking tulong din ang atake ng Hilda kontra Ling na nagpahirap sa buhay ng kalabang jungler. Kaya naman, naging matawasay ang buff-takes ng EVOS jungler para mag-snowball.
Hango ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Masha hinampas ng nerf sa Patch 1.6.66 balance adjustments