Agad na naging prima donna ng Mobile Legends: Bang Bang si Masha hindi lang sa ranked games kundi sa MPL scene din matapos makakuha ng malaking buff sa MLBB Patch 1.6.66. At matapos ang isang linggo, hinampas naman siya ng nerf.

Nitong Miyerkules, ika-29 ng Marso, naglabas ang Moonton ng Patch 1.6.66 additional balance adjustments para maisaayos ang kasalukuyang meta. May ilang heroes na na-buff at may ilan namang na-nerf kabilang na si Masha.

Tila nakita ng Moonton na masyadong malakas ang Wild-oats Fist sa Land of Dawn lalo na kapag nilagay siya sa roamer role kaya minarapat nilang i-balanse ito upang mabigyan ang mga kalaban ng tsansa na mas makapalag sa kanya.


Ang nerf na natanggap ni Masha sa MLBB Patch 1.6.66 Additional Balance Adjustments

Masha
Credit: Moonton

In-adjust ng Moonton ang attributes ni Masha pagdating sa kanyang Defense. Tinapyasan ng 10 ang kanyang base Physical Defense (20 >> 10) at lima naman ang binawas sa kanyang base Magic Defense (15 >> 10).

Pinahina ang base damage ng kanyang first skill na Wild Power mula 75 patungong 60.

Nabawasan na rin ang bursting capability ni Masha dahil sa nerf na nilapat sa kanyang ultimate na Thunderclap. Kung noon ay nakakabigay ito ng 500-700 + 30%-50% Extra HP damage, ngayon ay 400-600 + 30%-40% Extra HP damage na lamang ito.

Credit: Moonton
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Sa nakalipas na Week 6 ng MPL Philippines Season 9, makailang ulit na na-pick at na-ban si Masha dahil sa matinding buffs na nakuha niya sa pagdating ng Patch 1.6.66. Halos sigurado ang panalo kapag nakuha siya kaya naman madalas siyang nakita sa first drafting phase pa lang.

Ngunit matapos ang balance adjustments, mananatili kayang priority pick o ban si Masha? ‘Yan ang aalamin natin.

Para sa karagdagang MLBB news, features at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.