Matagal-tagal nawala sa meta, pero matapos ilapag ng Moonton ang patch 1.6.66 ng Mobile Legends: Bang Bang, naging overpowered na roamer na si Masha.

Dating nilalaro bilang EXP laner ang fighter na may mobility at malakas na tower damage, gaya ng Marksman roamer na si Popol and Kupa.

Pero dahil mas pabor na ang kasalukuyang meta sa mga EXP laner na makukunat at malakas sa team fight, madaling nalimot si Masha.

Pero salamat sa bagong patch, malaki ang nagbago sa paraan kung pano na laruin ang babaeng Fighter.

Ang mga pagbabago kay Masha sa MLBB Patch 1.6.66

S-tier roamer na si Masha salamat sa MLBB Patch 1.6.66
Credit: Moonton

Isa si Masha sa mga hero na nakatanggap ng buff noong nakaraang patch. Narito ang listahan ng mga pagbabago sa hero:

Attribute

HP Growth: 52 > 165

Ancient Strength – Passive

  • Extra Attack Speed kada 1% HP Lost: 1% > 1.8%
  • Max Extra Attack Speed: 80% > 180%
  • Pinababa nang sobra ang Energy Regen
S-tier roamer na si Masha salamat sa MLBB Patch 1.6.66
Credit: Moonton

Wild Power – Skill 1

  • Base Damage: 120 > 75
  • Extra Damage: 1%-2.5% ng Max HP ng Target > 1.5%-3.5% ng Max HP ni Masha
  • HP Cost: 1%-1.5% ng 3 HP Bars > 3% ng 1 HP Bar

Howl Shock – Skill 2

  • Tumatagos na sa minions ang energy shock.

Thunderclap – Ultimate

  • Damage: 100% Physical attack + 15%-25% ng Max HP ng target > 500-700 +30%-50% ng Extra Max HP ni Masha
  • HP Cost: 30% > 50%

Dahil mas masakit na si Masha ‘pag mas makapal ang buhay, mas maganda nang bumuo ng mga pampakunat na items kay Masha.

EVOS Thall, pinatunayang roamer na si Masha

S-tier roamer na si Masha salamat sa MLBB Patch 1.6.66

Pagkalapag ng update, agad sinubukan ni EVOS Thall, ang roamer ng EVOS LYNX, ang bagong Masha sa kanilang laban kontra ONIC Zenith sa UniPin Ladies Series Season 2.

Noong una’y inakala pa ng mga nilang jungle Masha ang naturang pick, hanggang sa lumabas na Baxia pa lang ang lulugar sa kanilang jungle at kay Thall mapupunta ang hero.

Dahil roamer na si Masha, ginamit ni Thall ang Tenacity na Tank Emblem. Bakas sa playstyle ang pagiging aggressive ng manlalaro lalo na’t ‘di niya tinigilan ang pag-invade sa jungle ng kalabang Aulus.

Wala namang problema sa survivability ng hero dahil bumili ng mga pampakunat na items si Thall.

Napatunayan din ng EVOS LYNX na bagamat roamer na si Masha, wala pa ring problema para sa kanya na makapagbigay ng mataas na damage at makapag-push ng turret.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ONIC Esports ipinamalas ang MLBB 1.6.66 patch master class kontra Rebellion Zion