Muling dinomina ng defending champion ONIC Esports ang Rebellion Zion sa kanilang ikalawang pagtatapat sa MPL Indonesia Season 9.

Halos perpekto ang pinakitang galawan ng ONIC ilang araw lang matapos ilabas ang MLBB patch 1.6.66. Nagpamalas ang Yellow Hedgehogs ng magandang adaptability at dahil na rin meron silang dalawang mahuhusay na trainers, naipakita nila ang kanilang pangil sa panibagong update.

Walang nagawa ang Rebellion Zion na tila nahuli sila sa pag-intindi sa mga hero na nakakuha ng buffs sa bagong patch. Ibang-iba ito sa ONIC Esports at kay star jungler Gilang “SANZ” na sinulit ang update.

Ginamit ng MPL ID Season 8 champs ang roaming Masha, buffed heroes na sina Grock at Baxia maging ang unorthodox picks sa anyo nila Miya at Guinevere.


Nagpakita ng tutorial ang ONIC Esports sa MLBB patch 1.6.66

Credit: Moonton

Hindi natakot ang ONIC Esports sa paggamit ng mga heroes na bihirang gamitin pero nakakuha ng malaking buffs sa kalalabas lang na patch. Nilaro nila ang Masha, Grock at Baxia at hinaluan pa ito ng Guinevere at Miya sa serye upang makuha ang isa na namang 2-0 sweep laban sa Rebellion Zion.

‘Di man direkta ngunit ipinamalas ng ONIC Esports kung sinu-sino ang SSS-tier heroes ngayon sa patch. Maaari itong maging halimbawa para sa ibang MPL teams.

Credit: Moonton

Sa post-match interview, inilahad nila SANZ at roamer Nicky “Kiboy” Fernando kung sino ang sa tingin nilang pinakamalakas na hero sa kasalukuyang patch.

“Grock dan Masha sih yang terkuat menurut saya. Yang memang saya pakai tadi karena memang tebal dan keras (Sina Grock at Masha ang pinakamalakas sa aking opinyon. Ginait ko sila kanina dahil mas pinakunat sila),” sabi ni Kiboy sa ONE Esports.

“Kalau buat saya Masha juga. Karena darahnya banyak banget. Ketika rusuh sendiri pun bisa tahan, terus bisa nge-kill juga. Benar-benar OP sih (Para sa’kin, si Masha rin dahil ang dami niyang buhay. Kaya niyang tumagal sa mga clash at pumatay rin ng kalaban. Masyado siyang OP ngayon),” wika naman ni SANZ.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.