Gumulong na ang May 2022 MLBB update kamakailan kung saan samu’t-saring pagbabago ang inihandog ng Moonton para sa mga fans ng laro. Bukod sa paglabas ng bagong hero, may kaakibat ding mga hero at battlefield adjustments ang MLBB patch 1.6.84 na inaasahang magbabalik ng mga dating popular na heroes sa meta.

Heto ang kumpletong patch notes ng gumulong na update:


Bagong hero na si Julian ipinakilala sa May 2022 MLBB update

Credit: Moonton

Kaalinsabay ng paglabas ng May 2022 MLBB update ang pagpapakilala sa bagong hero na si Julian, isang fighter/mage, at huling hero sa Forsaken Light series. Ang hero na tinawag ding Scarlet Raven ay bukod-tanging hero na walang ultimate skill sa laro, at ayon sa mga detalye sa patch ay kapanapanabik ang kaya niyang iambag sa Land of Dawn.

Passive – Smith’s Legacy

  • Pagkatapos mag-cast ng dalawang magkaibang skills, mapapalakas ni Julian ang kaniyang third skill. Maaaring i-upgrade ang kaniyang skills pagdating ng Level 5. 
  • Ang pag-cast ng enhanced skill ay magdudulot ng pag-cooldown ng lahat ng kaniyang skills at mapapalakas ang kaniyang basic attacks sa loob ng limang segundo.
  • Ang bawat empowered attack ay magpapalabas ng increased physical at magic damage, at mahihila ang target palapit sa kaniya.

Skill 1 – Schyte/ Enhanced Scythe

  • Magbabato si Julian ng scythes sa isang direksyon at magpapakawala ng damage at slow effect sa heroes na nasa area.
  • Ibabato ni Julian ang enhanced scythes sa isang direksyon para maglabas ng damage at slow effects sa mga kalaban na tatamaan nito. Pagtama nito sa isang non-minion enemy, patuloy na lilipad ang scythes ngunit mas mabagal para bigyang daan ang continuous damage sa kalabang malapit dito.

Skill 2 – Sword/ Enhanced Sword

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Magpapalabas ang Scarlet Raven ng isang flying sword at mag-dadash sa isang direksyon para magpakawala ng damage.
  • Maglalabas si Julian ng flying swords at mag-dadash papunta sa isang direksyon para mag-deal ng damage sa mga kalabang madadaanan niya. Saglit na magiging invincible at mawawala si Julian. Pagkatapos ng short delay, lalabas muli siya sa dulo ng cast area.

Skill 3 – Chain/ Enhanced Chain

  • Lalabas ang mga kadena kapag na-cast ito sa isang target location na may kasamang damage at immobilizing effect sa kalaban.
  • Mag-cacast si Julian ng kaniyang chains sa isang target location para mag-deal ng continuous damage  at slow effects sa mga kalaban na nasa area. Ang mga kalabang mananatili sa area pagkatapos ng skill duration ay makakatanggap ng extra damage at ma-knoknock airborne.

Hero adjustments sa May 2022 MLBB update

Irithel(↑)

Credit: Moonton

Mas viable na ngayon ang Irithel dala ng kaniyang bagong passive kung saan kahit naka-cooldown ang kaniyang Ultimate ay makakapaglabas pa rin siya ng makating damage

Passive(↑)

  • Number of Bolts on Each Basic Attack: 3 >> 2
  • Bolt’s Damage: 35% Physical Attack >> 55% Physical Attack

Bukod dito, hindi na rin gagastos ng mana ang skills ni Irithel. Nakakaipon siya ng energy habang gumagalaw at magpapakawala ng extra bolt sa susunod na Basic Attack kapag napuno ang nasabing energy.

Skill 1(↓)

  • Damage: 450-650 + 60% Physical Attack >> 330-530 + 60% Physical Attack

Ultimate(~)

  • New effect: Kapag activated ang kaniyang Ultimate, mas maigis na ang kailangang oras para lumabas ang extra bolt mula sa kaniyang Passive.
  • Mas mababa na din ang damage ng ehnaced bolts ng sa gayon ay ang overall damage niya kapag activated ang kaniyang Ultimate ay hindi magbabago: 180 + 85%-105% Physical Attack >> 120 + 60%-80% Physical Attack

Thamuz(↑)

Credit: Moonton

Para mapanatili ang Thamuz sa meta, binigyan ng adjustment ang EXP lane hero partikular na sa kaniyang Basic Attacks at Ultimate.

Passive](↑)

  • New Effect: Kapag hawak ng Thamuz ang kaniyang Scythes, may tiyansa ang kaniyang Basic Attacks na magpalabas ng burst Lava Energy sa kaniyang target.
  • Eruption Delay: 2s >> 0.7s
  • Hindi na gumagana ang Scorh sa mga kalabang natatamaan ng kaniyang Basic Attacks.

Skill 1(↑)

  • New Effect: Maaari ng mag-cast ulit ng Skill ang Thamuz para makuha pabalik ang kaniyang Scythes.
  • Hindi na tumitigil ang Scythes kapag nakakatama ng minions.

Ultimate(~)

  • Attack Speed Boost: 1.22-1.44 Times >> 1.3-1.6 Times
  • New Effect: Magkakaroon ng extra 500-1500 Max HP ang Thamuz sa duration at ma-rerecover ang parehong laki ng HP.
  • On-Hit HP Regen: 2%-3% Max HP >> 1.5%-2.5% Max HP
  • Binawasan ng bahagya ang area of effect ng Ultimate alinsunod sa visual effects.

Akai(↑)

Credit: Moonton

In-optimize ang skill casting experience ng Akai para gawing mas madali ang paglabas ng kaniyang skill combo. Kasama nito, pinababa naman ang kaniyang damage sa early game.

Passive(↓)

  • Damage: 50 + 5% Max HP >> 25 + 5% Max HP
  • Shield: 50 + 5% Max HP >> 25 + 5% Max HP

Skill 1(↑)

  • Pinahaba ng bahagya ang casting distance.
  • Pinababa ng bahagya ang casting time.
  • Pinabilis din ang extra roll pagkatapos ma-hit ang enemy units.

Skill 2(↑)

  • Pinababa ng bahagya ang casting time.
  • Pinababa ang backswing ng bahagya.

Ultimate(~)

  • Cooldown: 40-32s >> 45-37s
  • Pinababa ng bahagya ang casting time.
  • Maaari na lamang ma-cancel ang skill gamit ang suppression at morph effects.

Floryn(↑)

Credit: Moonton

Sa May 2022 MLBB update, binigyan ng all-around boost ang Floryn sa kaniyang damage at HP regen.

Skill 1(↑)

  • Damage’s Magic Power Bonus: 150% >> 180%

Ultimate(↑)

  • HP Regen’s Magic Power Bonus: 40% >> 70%

Kimmy(↑)

Credit: Moonton

Binigyan ng tulong ang Kimmy partikular na sa kaniyang energy gamit ang optimized casting experience para makalipat sa pagitan ng kaniyang dalawang attack modes.

Skill 1(~)

  • Maaari ng i-hold ang Skill 1 button para tuloy-tuloy na tumira ng Chemical Bolts sa target direction. Titigil din ang pagtira nito kapag ni-release ang button.
  • Kapag naubos na ang energy ng hero, babalik ang kaniyang Basic Attack sa tipikal na Spray Gun attacks. Kinakailangang makaipon muli ng energy at ma-release and hold ang button muli para makalipat sa Chemical Bolts attack mode.

Nana(↑)

Mas malakas na ngayon ang boomerangs ng Nana para matulungan siya sa kaniyang tipikal na role bilang midlaner.

Skill 1(↑)

  • Damage: 220-345 + 110% Magic Power >> 245-370 + 120% Magic Power

Diggie(~)

Passive(↓)

  • Inayos ang issue kung saan kayang ma-trigger ng patay na Diggie ang effects ng Cursed Helmet gayundin ang Battle Spells.

Ultimate(↑)

  • Base Shield: 600-900 >> 650-1000

Pharsa(↑)

Inaasahan ng mga developers na tataas ang sustained damage ng Pharsa sa paggulong ng May 2022 MLBB update. Binigyan ng enhancement ang kaniyang Spiritual Unity kasama si Verri para gawin ito.

Passive(↑)

  • Cooldown: 10s >> 8s

Cecilion(↓)

Credit: Moonton

Binigyan ng nerf ang Cecilion sa patch na ito dahil isa ito sa mga sumikat na mages noong nakaraan dala ng malaaks nitong damage at sustainability. Sa May 2022 MLBB update, binawasan ang kaniyang defensive power.

Attributes(↓)

  • Base HP: 2516 >> 2456
  • Base Physical Defense: 20 >> 18

Edith(↑)

Inaasahan ng mga game devs na maka-ambag ang Edith ng mas malaki sa team fights kaya naman binigyan ang Primal Warden ng mas malakas na Primal Wrath.

Ultimate(↑)

  • Ranged Basic Attack’s Base Damage: 15-45 >> 35-65

Lapu-Lapu(↑)

Mas masakit na ngayon ang heavy sword ni Lapu-Lapu dahil sa buff sa kaniyang Bravest Fighter kung saan mas malaki na ang tiyansa na ma-burst ang kalabang heroes.

Ultimate(↑)

  • First Two Attacks’ Damage: 280-440 >> 300-480
  • Third Attack’s Damage: 420-660 >> 450-720

Alice(↑)

Pinababa ang mana cost ng Ultimate ng Alice par mapalakas ang kaniyang performance sa mga extended team fights

Ultimate(↑)

  • Mana Cost: 50-90 >> 40-80

Natan(↑)

Parte din ng May 2022 MLBB update na ito ang bahagyang boost sa sustained damage ng Natan kapag gamit niya ang kaniyang Ultimate.

Ultimate(↑)

  • Reverse Clone’s Attribute Inheritance Ratio: 30-35% >> 35-40%

Bruno(↑)

Credit: Moonton

Pinaganda ang laning phase ng Bruno dahil sa increased damage sa kaniyang Powerball.

Skill 1(↑)

  • Base Damage: 120-320 >> 145-320

Beatrix(↓)

Bago ilatag ang May 2022 MLBB update na ito, isa ang Beatrix sa mga pangunahing marksman heroes dahil sa makating damage na kaya niyang pakawalan. Sa patch na ito, binawasan ng kaunti ang kaniyang damage output para bigyan ng puwang ang kalabang heroes na makaresponde sa kaniya.

Renner – Basic Attack](↓)

  • Physical Attack Bonus: 360-535% >> 350-525%

Renner – Ultimate(↓)

  • Cooldown: 24-18s >> 32-24s

Wesker – Ultimate(↓)

  • Cooldown: 24-18s >> 32-24s

Belerick(↓)

Binigyan ng bahagyang nerf ang Deadly Thornds para mabawasan ang baseline power at early game advantage ng Belerick.

Passive(↓)

  • Deadly Thorns Damage: 95 + (5 × Hero Level) + 1.5% Max HP >> 55 + (5 × Hero Level) + 1.8% Max HP

Grock(↓)

Credit: Moonton

Pamatay na pick ang Grock noong nakaraang patch kaya naman binawasan ang kaniyang durability at burst potential sa May 2022 MLBB update.

Passive(↓)

  • Extra Physical Defense for Each Point of Physical Attack: 0.6 >> 0.5

Ultimate(↓)

  • Initial Damage: 300-500 + 50% Physical Attack >> 360-600 + 75% Physical Attack
  • Extra Damage: 600-1000 + 150% Physical Attack >> 360-600 + 90% Physical Attack

Baxia(↓)

Kapansin-pansin ang lakas ng Baxia sa jungler role kaya naman binigyan ng game devs ang kaniyang damage gayundin sa kaniyang mid-to-late game durability bagkus malaaks pa rin ang early initiation power.

Attribute(↓)

  • HP Growth: 228 >> 193

Ultimate(↓)

  • Base Damage: 40-60 >> 40-50

Aamon(↑)

Binigyan ng bahagyang buff ang Duke of Shards para maging parte muli ng viable assassins sa laro.

Passive(↑)

  • Enhanced Basic Attack’s Damage: 70 + 80% Magic Power >> 85 + 90% Magic Power

Saber(↑)

Skill 1(↑)

  • Maaari ng mag-cast ng skill ang hero kapag nag-dash.

Wanwan(↓)

Pagkatapos ng huling optimization, dumami ang players na nakagamay sa Wanwan. Gayunpaman, masyado raw ito umaariba ngayon ani ng Moonton kaya binigyan ang marksman ng kaunting nerf sa kaniyang damage.

Ultimate(↓)

  • Physical Attack Bonus: 40% >> 35%

Lylia(↓)

Bibigyan ng kaunting cut down ang control power ng Skill 1 ng Lylia ng sa gayon ay mas maingat niya itong ibabato kapag nagii-spam ng kaniyang Shadow Energy.

Skill 1(↓)

  • Slow Effect: 40% >> 30%

Karina(↓)

Credit: Moonton

Kabilang sa nerfs sa  MLBB patch 1.6.84 ang early game damage ng Karina partikular na sa tanx build route. Hindi naman mababago ang damage niya kung Magic Power ang build sa kaniya.

Passive(↓)

  • Lost HP-Based Damage: 7 (+2% Magic Power )%>> 5 (+2.5% Magic Power)%

Valentina(↓)

Binawasan ang early game power ng Valentina para bigyang daan ang ibang heroes na makalahok sa battlefield.

Passive(↓)

  • Extra EXP: 15-50 >> 8-50

Skill 2(↓)

  • Cooldown: 10s >> 12s[p]

Battlefield Adjustments sa May 2022 MLBB update

Evolved Lord(↑)

Credit: Moonton
  • Madalas pa din daw ang tiysansang tumagal ang mga match lampas ng 18 minuto kaya naman binigyan ng malaking boost ang Evolved Lord partikular na sa kaniyang damage.
  • Damage Per Attack: 250 + 50% Physical Attack + 50% Magic Power + 2.5% Max HP >> 400 + 60% Physical Attack + 60% Magic Power + 3% Max HP

Mga pagbabago sa equipment

Twilight Armor(↑)

Binigyan ng bahagyang boost ang trigger frequency ng extra damage.

Unique Passive – Twilight

  • Cooldown: 2s >> 1.5s
  • Base Damage: 20 >> 35

Cursed Helmet(↓)

Credit: ONE Esports PH

Sa May 2022 MLBB update na ito, pinababa ang damage ng Cursed Helmet kontra sa mga enemy heroes ngunit mananatili ang lane clearing effects nito (isang kaibahan nito mula sa Twilight Armor)

Unique Passive – Burning Soul

  • Damage: 1.5% Max HP >> 1.2% Max HP
  • Against Minions: 100% >> 150%

Molten Essence(↓)

Unique Passive – Burning Soul][-]

  • Damage: 1% Max HP >> 0.8% Max HP
  • Damage Against Minions: 100% >> 150%

Immortality(↓)

Patuloy na bibigyan ng nerf ang attribute ng equipment na ito.

  • 30 Physical Defense >> 20 Physical Defense

Battle Spell adjustments a May 2022 MLBB update

Vengeance](↓)[-]

Credit: ONE Esports PH

Hindi lingid sa kaalaman ng game devs na naging popular ang Vengeance kung ikukumpara sa ibang Battle Spells dahil sa Tank Meta kaya naman bibigyan ito ng bahagyang adjustment sa May 2022 MLBB update.

  • Damage Reflection: 40% >> 35%

Petrify()

Kaya na ngayon na maka-interrupt ng piling skills ang Petrify (gaya ng Ultimate ni Claude), gaya ng Frozen Effect.

Flame Retribution()

Mahina kung ikukumpara ang Flame Retribution sa mga kasama nito kaya naman binigyan ito ng kaunting buff effects.

Attack Steal(↑)

  • 52-80 >> 58-100

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang guides sa MLBB.

BASAHIN: MLBB hero na walang ulti? Alamin kung anu-ano at paano gumagana ang skills ni Julian