Kasabay ng paggulong ng MLBB Patch 1.6.84 ay ang paglabas ng fighter/mage na si Julian, ang huling adisyon sa patuloy na lumalawak na hero pool na mayroon ang MOBA. Detalyadong impromasyon ang inilabas ng Moonton sa gumulong na update partikular na ang pambihirang skills ni Julian na patuloy na nagpapasabik sa mga miron.

Malaking rason dito ay dahil bukod-tangi ang Scarlet Raven bilang karakter na walang ultimate skill. Paano? Heto ang kumpletong impromasyon tungkol sa skills ni Julian at kung paano gumagana ang mga ito.


Skills ni Julian: Effects at tips sa paggamit ng mga ito

Passive – Smith’s Legacy

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Pagkatapos mag-cast ng dalawang magkaibang skills, mapapalakas ni Julian ang kaniyang third skill. Maaaring i-upgrade ang kaniyang skills pagdating ng Level 5.
  • Ang pag-cast ng enhanced skill ay magdudulot ng pag-cooldown ng lahat ng kaniyang skills at mapapalakas ang kaniyang basic attacks sa loob ng limang segundo.
  • Ang bawat empowered attack ay magpapalabas ng increased physical at magic damage, at mahihila ang target palapit sa kaniya.

Skill 1 – Schyte

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Magbabato si Julian ng scythes sa isang direksyon at magpapakawala ng damage at slow effect sa heroes na nasa area.
  • TIP: Sa mga skills ni Julian, ito ang main harass ability na maaring gamitin para ma-pressure ang kalaban sa lane o di kaya naman ay makapang-poke ng mga kalaban sa team fights.

Skill 1- Enhanced Scythe

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Ibabato ni Julian ang enhanced scythes sa isang direksyon para maglabas ng damage at slow effects sa mga kalaban na tatamaan nito. Pagtama nito sa isang non-minion enemy, patuloy na lilipad ang scythes ngunit mas mabagal para bigyang daan ang continuous damage sa kalabang malapit dito.

Skill 2 – Sword

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Magpapalabas ang Scarlet Raven ng isang flying sword at mag-dadash sa isang direksyon para magpakawala ng damage.
  • TIP: Pambihira ang skills ni Julian, at isa ito sa mga dahilan. Bukod sa damage ay may mobility ring dala ang Sword para makalabas-pasok sa engagements.

Skill 2- Enhanced Sword

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Maglalabas si Julian ng flying swords at mag-dadash papunta sa isang direksyon para mag-deal ng damage sa mga kalabang madadaanan niya. Saglit na magiging invincible at mawawala si Julian. Pagkatapos ng short delay, lalabas muli siya sa dulo ng cast area.

Skill 3 – Chain

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Lalabas ang mga kadena kapag na-cast ito sa isang target location na may kasamang damage at immobilizing effect sa kalaban.
  • TIP: Swabe ang effect ng skill na ito dahil AOE control at damage ang kaya nitong ilabas kaya naman napakaganda nitong tool para sa mga teamfights. Gamitin ito bilang sentro ng skill combo.

Skill 3 – Enhanced Chain

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH
  • Mag-cacast si Julian ng kaniyang chains sa isang target location para mag-deal ng continuous damage  at slow effects sa mga kalaban na nasa area. Ang mga kalabang mananatili sa area pagkatapos ng skill duration ay makakatanggap ng extra damage at ma-knoknock airborne.

Kung susuriin ang skills ni Julian, makikitang magandang gamiting opsyon ang hero kung kulang ang komposisyon ng burst capability at crowd control.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB hero guides.

BASAHIN: MLBB marksman heroes na epektibong midlaners din