Matapos hindi makasali sa dalawang M-series, sa wakas ay magkakaroon na ng kinatawan ang Vietnam sa M4 World Championship.

Ibinalik ng MDH Esports ang rehiyon sa pinakamalaking international Mobile Legends: Bang Bang tournament ng taon, matapos ang mainit na five-game grand final showdown laban sa IDONOTSLEEP Esports sa M4 Mekong Qualifier noong Sunday, October 16.

Ikalawang pagkakataon pa lamang ito na nag-qualify ang Vietnam para sa M-series. Ang huling beses ay noong M1 World Championship, kung saan nagawa ng Vec Fantasy Main na makakuha ng 2-1 record sa group stage bago sila ilaglag ng Sunsparks sa unang round ng lower bracket playoffs.

MDH Esports tinawid ang five-game series upang manalo sa M4 Mekong Qualifier

MDH Esports M4 World Championship
Credit: Moonton

Sa group stage, nagdomina sa kani-kanilang mga groups ang MDH Esports at IDONOTSLEEP na parehong may record na 3-0. Pareho rin ang naging kwento ng MDH sa upper bracket ng playoffs kung saan itinumba nila ang Nightmare Esports at Wawa Gaming upang makapasok sa grand final.

Naging mas mahirap ang daan na tinahak ng IDONOTSLEEP. Matapos matalo 1-2 laban sa Wawa Gaming, kinailangan nilang gapangin ang lower bracket upang makakuha ng grand final slot.

Nakakapangilabot ang laban sa best-of-five series sa grand final dahil sobrang dikit nito. Tabla sa score na 2-2 ang dalawang teams, pinili ng IDONOTSLEEP ang isang teamfight-focused draft na binubuo ng Claude, Paquito, at Yve. Sumagot naman ang MDH ng isang lineup na may malakas din na opensang binubuo ng Pharsa, Karina, at Popol and Kupa.



Mainit ang sabayan mula sa magkabilang teams hanggang umabot sa ika-10 minuto ng game. Gayunpaman, isang malaking pagkakamali ang nagawa ng Jawhead ni IDNS ZanRi sa 11-minute mark matapos nitong mag-overextend at mahuli ng combo ng Wild Charge ni Grock at Feathered Airstrike ni Pharsa.

Pumanaw din ang Paquito ni Phumin “Loysss” Inthachot at Claude ni ThirtyThr33 nang subukan nilang maligtarin ang sitwasyon sa pag-initiate ng isang team fight pagkatapos mapitas si ZanRi.

Tumakas na ang dalawang nalalabing miyembro, ngunit nahuli ng Guardian Barrier ni Grock ang Yve ni Myzmink, na nagresulta sa isa na namang kill para sa MDH Esports. At dahil isa na lang ang natitirang nagdedepensa sa base, sumugod ang MDH patungo sa midlane base turret at sa crystal upang ipanalo ang series.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.