Maghanda para sa isang epic collaboration dahil ang Maya, ang all-in-one digital banking app, at Mobile Legends Professionals League (MPL) ay magsasanib-pwersa upang dalhin ang iyong gaming experience sa mga bagong antas sa pamamagitan ng Maya MLBB Card.
Ang makabagong pakikipagtulungan na ito sa pagitan ng pangunahing digital bank ng bansa at ng pinakasikat na mobile game, Mobile Legends: Bang Bang (MLBB), ay ipinapakilala ang eksklusibong MLBB Card. Magpaalam na sa mga karaniwang paraan ng pagbabayad at tanggapin ang limited-edition at personalized card na ito na may hatid exciting benefits para sa mga gamers at enthusiasts.
Tampok ang mga iconic heroes ng MLBB, ang mga card collectibles ay may tatlong character designs: si Miya, ang Moonlight Archer, na kilala sa kanyang liksi at nakapipinsalang mga atake; si Nana, ang Sweet Leonin, na naglalabas ng malakas na magical abilities sa kanyang mga kaaway; at si Zilong, kilala bilang hindi matitinag na Spear of the Dragon, isang pwersa na dapat katakutan sa game.
Mga features ng Maya MLBB card

Sa halagang PHP 350 lamang, makakakuha ka na ng Maya MLBB Card kasama ng mga exclusive advantages na hatid nito. Bitbitin ang mga paborito mong heroes saan ka man magpunta. Pwede ring i-personalize ang iyong card sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong @username, kung kaya’t napaka-unique nito.
I-link ito sa iyong Maya account upang makatanggap ng rewards sa tuwing gagamitin ito sa alinman sa mga lagpas 800,000 merchants sa mahigit 200 na bansa sa buong mundo, Gamitin ito para sa hassle-free app store purchases. Kelangan mo ng cash? Magwithdraw sa anumang Bancnet ATM sa Pilipinas gamit ang iyong Maya MLBB Card.
At bilang special bonus, makakatanggap ka ng PHP 50 reward na maaaring gamitin pambili ng MLBB diamonds kapag kumuha ka ng iyong Maya MLBB Card at ginamit ito para sa mga payments. Libre din ang shipping fee pag nag-sign up gamit ang mga codes na MLBBLOVESMAYA o MPLLOVESMAYA at bumili ng Maya MLBB Card. Bukod pa rito, 50 lucky winners ang makakatanggap ng libreng Maya MLBB Card sa simpleng paggastos lang ng PHP 99 sa Maya Shop. Kaya’t magmadali na, dahil limitado lang ang oras ng mga promo na ‘to.
I-follow ang Maya sa Facebook, Instagram, YouTube, at Tiktok sa username na @mayaiseverything, at sa Twitter naman sa @mayaofficialph.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.