Mula pa noon ay isa na si Miya sa mga popular na marksman sa Mobile Legends: Bang Bang sa kahit anong rank.

Ang Moonlight Archer, na may pambihirang bilis at masakit na damage output, ay may maayos na crowd control at isang ultimate na maaaring magamit upang mag-initiate ng fights o makatakas mula sa mga delikadong sitwasyon.

Dahil sa kanyang skill set,  hindi maikakailang isa siya sa mga stable picks para sa mga beginners at mga advanced na players.

Sa guide na ito, tuturuan ka namin ng combo na magagamit mo para sorpresahin ang mga kalaban.

Hulihin ang mga naktungangang kalaban gamit ang Miya combo na ‘to

Miya
Credit: Moonton

Battle Spell at Emblem

Para epektibong maisagawa ang combo, dapat mong piliin ang Inspire bilang iyong battle spell. Sa ilalim ng Marksman emblem, piliin ang Bravery at Agility bilang iyong mga sub-talent, at Weapon Master bilang iyong main talent.

Best build

  • Swift Boots
  • Windtalker
  • Scarlet Phantom
  • Berserker’s Fury
  • Blade of Despair
  • Demon Hunter Sword

Miya combo

Simulan ang Miya combo sa pamamagitan ng pag-activate sa kanyang ultimate na Hidden Moonlight.

Hindi lamang ito nagbibigay ng conceal at movement speed, ngunit nagbibigay din ito sa iyo ng buong stack ng Moon Blessing na kailangan mo para sa iyong sorpresang pag-atake.

Kapag nasa posisyon na, gamitin ang Arrow of Eclipse para ma-immobilize ang kalaban. Agad na i-trigger ang Moon Arrow upang i-buff ang iyong mga basic attacks, at gamitin ang Inspire para sa karagdagang attack speed at life steal, at daliang panain ang iyong kalaban hanggang sa kawalan.

Tutunaw ito ng HP ng karamihan sa mga marksman at assassin heroes.

Makakatulong din na makakuha ka ng Windtalker para sa karagdagang attack speed at critical chance.



Subukan mong gamitin ang combo na ‘to at sabihin sa amin kung anong palagay mo.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.