Kasisimula pa lamang ng 2022 ngunit marami ng planong gustong pagulungin ang Moonton para mas mapaganda pa ang gameplay experience sa Mobile Legends: Bang Bang.

Sa inilabas na update ng game developer sa YouTube, itinampok ang MLBB 2022 balance adjustment plan kung saan paaandarin ng grupo para bigyan ng magandang karanasan ang bawat player kahit sa pre-game pa lamang.

Heto ang ilan sa mga pagbabagong dapat antabayanan ngayong taon sa Mobile Legends: Bang Bang.


Laman ng MLBB 2022 balance adjustment plan

3. Ang blacklist system

Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Ang pangunahin sa listahang ito ay ang Mobile Legends blacklist system. Sa implementasyon ng sistemang ito, maaari mo ng i-block ang isang player para maiwasang ma-team up mula sa kaniya sa susunod mo na mga matches.

Swabe ang feature na ito dahil malaking tulong ito para sa mga seryosong players na umiiwas sa mga toxic teammates na talamak kahit sa anong rank.


2. Bago at mas pinaayos na AI system

Kaakibat din sa MLBB 2022 balance adjustment plan ang pagbabago sa matchmaking system kung saan babawasan ang loading time sa queues bukod sa mas wastong tapatan ng mga player.

Kokolektahin ng artificial intelligence ang in-game data ng players at pag-aaralan ito para mabigyan ng mas maayos na playing experience gaya na lamang ng nabanggit na sistema sa matchmaking.


1. Maaari ng mag-dodge ang players ng laro sa picking stage

Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Ang pinakamalaking pagbabagong papagulungin ng Moonton ayon sa MLBB 2022 balance adjustment plan ay ang dodge game feature kung “extremely unreasonable” ang lineup na na-draft.

Hindi pa malinaw kung ano ang maituturing na “extremely unreasonable” ngunit mapapalagay na ito ay ang mga pagkakataong ang team ay may tatlo o apat na heroes na gaganap sa iisang role.

Para sa mga updates tungkol sa Mobile Legends, siguraduhing nakasunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook para masagap agad ang mga ito.

BASAHIN: Ang totoong rason kung bakit ‘disabled’ na si Franco sa MLBB patch 1.6.42