Ikalimang taon na ng Mobile Legends: Bang Bang at maraming ipapamigay si Moonton ngayong September para sa lahat nang nasa Land of Dawn.

Kabilang sa MLBB 5th anniversary event ang release ng bagong support hero na si Floryn, ang free Moon Goddess Miya skin, at isang katerbang hero redesign para sa Project: NEXT.

Alamin kung paano makukuha ang mga ito para masulit ang MLBB 5th anniversary celebration.

Paano makukuha nang libre ang bagong hero na si Floryn sa MLBB 5th anniversary event

MLBB Floryn rewards
Credit: Moonton

Ang best reward na makukuha sa event na ito ay ang bagong hero na si Floryn. Wala pang masyadong impormasyon tungkol sa kanyang skills, pero inaasahan syang maging isang support o mage hero.

Para makuha nang libre si Floryn, mag-login lang sa iyong Mobile Legends: Bang Bang game nang six days straight mula September 10 hanggang September 21. Huwag palalampasin ang fairy hero na ‘to!


Paano makukuha ang libreng Moon Goddess Miya skin sa event

MLBB MoonGoddessMiya
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Isa pang libreng reward na maaaring makuha sa MLBB 5th anniversary event ay ang Moon Goddess Miya skin.

Mula Septemeber 21, kakailanganin ng mga players na gumawa ng mga tasks upang makakuha ng tokens na magagamit upang i-claim ang skin. Kabilang sa mga tasks ang pag-login araw-araw at pag kumpleto ng mga matches na may mga particular na kundisyon.

MLBB AbyssalReaperThamuz
Credit: Moonton

Bukod sa Moon Goddess Miya, maaari ding makuha nang libre ang Abyssal Reaper Thamus sa September 21.

Project: NEXT hero revamps

MLBB ProjectNEXT Hayabusa Kagura Odette Lancelot
Credit: Moonton

Tungkol naman sa Project: NEXT update, apat na heroes ang makakatanggap ng pagbabago sa kanilang gameplay at visuals sa MLBB 5thanniversary event. Ang mga heroes na ito ay sina Lancelot, Kagura, Odette, at Hayabusa.

Isang maikling cinematic na pinamagatang “The Bloom” ang inilabas kung saan tampok ang apat na heroes na nabanggit.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.