Marami pa ring naninibago matapos ang pagpasok ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.18 dahil sa mga bagong features na ipinasok sa laro. Isa dito ang tinatawag na MLBB Familiarity System.

Maliit lang ang pagbabagong ito kung tutuusin, pero kung isa ka sa mga players na naglalaro kasama ang mga tropa o kasintahan, kapana-panabik ang update na ito.

Alamin natin kung ano ba ang MLBB Familiarity System at kung paano gumagana ito.


Ano ba ang MLBB Familiarity System sa Patch 1.6.18?

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Tampok sa bagong feature na inilabas kasabay ng MLBB patch 1.6.18 ang pagkakaroon ng tiyansang makakuha ng mga gantimpala kapag naglalaro ng may kasamang partner. Bukod dito, mayroon ding display badge sa loading screen na nakadepende sa piniling “intimacy level”.

Heto ang apat na intimacy levels na mapagpipilian:

  • Partners
  • Bros
  • Besties
  • Confidants

Maaaring magkaroon ng apat na tao sa bawat intimacy level, liban ang “partner” na isa lamang ang puwede.


Paano ba gumagana ang Familiarity System sa Mobile Legends?

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Pagkatapos maging in-game friends, kinakailangang makaabot ng hindi bababa sa 150 familiarity points bago ma-assign sa nais na intimacy level.

Heto ang apat na paraan para mapataas ang familiarity points:

  • Bawat Ranked Match na pagsasamahan ay magbibigay ng +6 Familiarity
  • Bawat Classic Match na pagsasamahan ay magbibigay ng +3 Familiarity
  • Ang ibang matches na pagsasamahan ay magbibigay ng +2 Familiarity
  • Ang pagbibigay ng mga Gifts aty magbibigay ng 10% ng gift value

Matapos ang pagtatag ng affinity sa isa pang player, maaari ng iyabang ang affinity icons sa kani-kaniyang profile page, loading pages at kung mamarapatin ay ma-unlock ang hero sharing sa classic mode.

Paano naman kung hindi ka na masaya sa napili mong katambal? Puwede pa rin namang kanselahin ito sa pamamagitan ng pagpapadal ng request to cancel affinity para ma-reset ang Familiarity System.

Kinakailangan lamang na aprubahan ang kanselasyon na ito ng kabilang player sa loob ng pitong araw. Kung hidni ay mananatili ang affinity na ito.

Credit: Moonton

Ang request na ito ay maaaprubahan agad-agad kung ang kabilang player ay hindi na nag-login sa loob ng lamang sa 30 araw.

Kung tutuusin, ang MLBB Familiarity System ay isa sa mga maliliit ngunit nakatutuwang feature sa laro ngayon. Hindi ba’t mas masayang maglaro kasama ang kaibigan o kasintahan na may posibilidad na makatanggap pa ng rewards?

Pagsasalin ito sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.