Inilatag ng Moonton ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.94 sa official server noong June 28. Binansagang “Rise of the Necrokeep” update, tampok sa naturang update ang malaking pagbabago sa mga heroes na sina Vexana, Faramis at Leomord, ang tatlo sa least used heroes sa laro.

Sa MLBB patch pa rin, binigyan ng kaunting polishing ang user interface sa ranked queue screen in-game kasabay pa ng ilang battlefield changes, partikular na ang adjustments sa Retribution battle spell, laning at iba pa.

Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol sa MLBB patch 1.6.94, kasama na ang hero changes, buffs, nerfs at marami pang iba.


MLBB patch 1.694: Revamp kina Vexana, Faramis at Leomord

Faramis

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Passive – Vicious Retrieval

  • Mas madali na ngayong makakuha ng soul fragments. Mas lalakas din ang kaniyang damage sa makukuhang soul fragments.

Skill 1 – Shadow Stampede

  • Maaari ng makatagos sa terrain si Faramis kapag nasa Shadow State at maaari ding makapag-cast ng skill para makaalis dito at mahila ang mga markadong kalaban papalapit sa kaniya.

Skill 2 – Ghost Bursters

  • Dahil optimized na ang kaniyang casting at range, mas madali na ring makatama si Faramis ng kalaban at sa mas malayong distansiya.

Ultimate – Cult Altar

  • I-tratransform ni Faramis ang kaniyang kapaligiran papunta sa Nether Realm at magbibigay sa kaniyang sarili at mga kakampi ng extra HP at tiyansa na makaiwas sa mabilis na kamatayan.

Vexana

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Passive – Nether Touch

  • Ang mga kalabang tatamaan ni Vexana o ng kaniyang Undead Knight ay sasabog kapag namatay ang mga ito.

Skill 1 – Deathly Grasp

  • Papakawalan ni Vexana ang Phantom Claw na may terrify effect sa unang kalabang tatamaan nito. Sasabog ang Phantom Power sa lokasyon ng enemy hero at magbibigay ng damage sa mga kalabang malapit dito, kasabay pa ng isa pang terrify effect.

Skill 2 – Cursed Blast

  • Pagkaraan ng maigsing delay, papakawalan ni Vexana sa siang target area ang isang Nether Energy blast na may kargang damage.

Ultimate – Eternal Guard

  • I-susummon ni Vexana ang kaniyang Undead Knight sa isang target location. May kargang damage ito sa mga kalabang tatamaan kasabay pa ng knock up effect. Sasamahan ng Undead Knight ang Vexana sa battlefield hanggang mag-expire ang duration.

Leomord

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Passive – The Oathkeeper

  • Mas mababa na ang requirement para magka-critical strikes ang Leomord kaya naman mas mataas na ang kaniyang damage at lifesteal ratio.

Skill 1 – Momentum

  • Optimized na ang casting experience ng skill, kaya mas madalas na din na makakapag-cast ng skill ang Leomord kasabay pa ng mas mataas na damage.

Ultimate – Phantom Steed

  • Binigyan din ng optimization ang ultimate at mas mataas na defense scaling kaya mas swabe na ang galawan ni Leomord kapag nakasakay kay Barbiel.

MLBB patch 1.6.94 hero balance at adjustments

Terizla

Credit: Moonton

Skill 2 – Execution Strike

  • New Effect: Hindi na mapipigilan ng control effects ang skill casting nito, liban nalang kung Supression type ang gagamitin kontra sa kaniya.
  • Pinataas ang Slow Effect mula 15% patungong 20%

Ultimate – Penalty Zone

  • Pinataas ang Base Damage mula 300-500 patungong 300-600
  • Pinataas ang Slow Effect mula 40%-50% papuntang 45%-65%
  • Mas pinalayo ang casting range at pinabilis ang jump speed

Gord

Credit: Moonton

Passive – Mystic Favor

  • Binawasan ang damage mula 160 + 70% Magic Power patungong 140 + 60% Magic Power
  • New Effect: Liban sa True Damage, may slow effect na din ito na 30% sa loob ng isang segundo

Skill 2 – Mystic Injunction

  • BInabaan ang damage interval mula 0.45s patungong 0.3s
  • Binabaan ang damage mula 80-155 + 20% Magic Power papuntang 55-105 + 16% Magic Power
  • Tinaasan ang collodown mula 7-5 s na ngayon ay 8-6 s na

Ultimate – Mystic Gush

  • BInabaan ang damage interval mula 0.3s patungong 0.2s
  • Binabaan ang damage mula 220-350 + 50% Magic Power papuntang 135-225 + 33% Magic Power
  • Tinaasan ang cooldown mula 34-28s papuntang 44-36s
  • Wala ng slow effect ang natatamaang heroes
  • Maaari na mag-cast ang Gord ng Battle Spells sa duration ng Ultimate

Other

  • Hindi na maapektuhan ng pag-cast ng Skill 1 at 2 ang galaw ni Gord

Xavier

Credit: Moonton

Passive – Transcendence

  • Binawasan ang extra damage per stage mula 120-130% papuntang 110-120%

 

Skill 1 – Infinite Extension

  • In-adjust ang damage mula 300-550 + 120% Magic Power patungong 315-540 + 130% Magic Power

Skill 2 – Mystic Field 

  • Tinaasan ang initial damage mula 100-200 + 50% Magic Power patungong 110-210 + 55% Magic Power
  • Inangat ang subsequent damage mula 200-400 + 100% Magic Power papuntang 220-420 + 108% Magic Power

Ultimate – Dawning Light

  • Pinakati ang damage mula 700-1100 + 150% Magic Power papuntang 750-1150 + 162% Magic Power

Nana

Credit: Moonton

Skill 1 – Magic Boomerang

  • Bahagyang pinalayo ang casting range
  • Binawasan ng bahagya ang forewsing

Skill 2 – Molina Smooch

  • Binawasan ng kaunti ang skill range

Ultimate – Molina Blitz

  • Binigyan ng optimization ang casting experience. Mas maikli na ngayon ang delay bago ang first attack, at bahagyang pinatagal ang interval sa pagitan ng dalawang attacks

Lunox

Skill 2 – Chaos Assault

  • In-adjust ang damage mula 130% Magic Power + 1.5%-3.5% of Target’s Max HP patungong 120% Magic Power + 2.5%-5% of Target’s Max HP

Julian

Passive – Smith’s Legacy 

  • Binawasan ang Spell Vamp mula 25% patungong 20%

Skill 2 – Sword

  • Binawasan ang Lifesteal efficiency para pumaris sa iba pang AoE skills

Skill 2 (Enhanced) – Enhanced Sword

  • Binawasan ang Lifesteal efficiency para pumaris sa iba pang AoE skills

Skill 3 – Chain

  • Pinahina ang Base Damage ng Initial Attack mula 340-500 papuntang 300-420

Akai

Credit: Moonton

Passive – Tai Chi

  • Pinahina ang Damage Bonus mula 5% Max HP na ngayon ay 4% Max HP na lamang
  • Binawasan ang Shield Bonus mula 5% Max HP papuntang 4% Max HP

Ultimate – Heavy Spin

  • Pinatagal ang cooldown mula 45-37s sa mas mahabang 55-47s
  • Pinahina ang Base Damage na dating 180-540 na ngayon ay 180-420
  • Inayos ang issue kung saan mas mataas na damage ang napapakawalan taliwas sa nasusulat

Ling

Skill 2 – Defiant Sword

  • Binawasan ang damage mula 300-400 + 40% Physical Attack papuntang 250-350 + 33% Physical Attack

Irithel

Attribute

  • Binawsan ang Attack Growth mula 14 na ngayon ay 11na lamang

Luo Yi

Ultimate – Diversion 

  • Pinaiksi ang cooldown mula 55-45s papuntang 50-40s

Jawhead

Skill 1 – Smart Missiles

  • Pinahina ang damage mula 125-200 + 20%. Physical Attack patungong 120-220 + 25% Physical Attack

Edith

Attribute

  • Mas makunat na ngayon dahil pinataas ang Initial Physical Defense mula 15 patungong 17

Passive – Overload

  • Pinasakit ang Base Extra Damage mula 90 na ngayon ay 105 na

Natan

Skill 1 – Superposition

  • Pinasakit ang Base Damage mula 150-450 papuntang 175-500

Paquito

Skill 1 – Heavy Left Punch

  • Tinaasan ang Physical Attack Bonus mula 150% patungong 165%

 

MLBB patch 1.6.94 battlefield adjustments

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

MLBB Patch 1.6.94 jungle adjustments

  • First 5 minutes: Hindi na makakakuha ng Gold at EXP mula sa minions ang heroes na may Retribution battle spell kapag may allied heroes na malapit sa area at walang Roaming boots
  • Tataas ang Reduced Minion Rewards mula 30% papuntang 50%
  • New Mechanism: Kapag behind ng 2 o lamang sa 2 levels ang jungler sa kalaban sa unang limang minute mas mataas ang EXP na makukuha nila
  • Ang damage ng Retribution kontra sa creeps ay hindi na apektado ng damage boosting effects

MLBB Patch 1.6.94 creeps adjustment

  • New Effect: Kapag hindi sakop ng leash range sa unang beses, may 50% extra Movement speed ang creep habang hindi pa ito nakakabalik sa range
  • New Effect: Pagkabalik sa range, hindi na mag-rerecover ng HP ang creep at papasok mula sa battle state kapag nakatanggap ng damage (Sa unang beses lamang)
  • 20s na ang First Spawn time kontra sa 25s dati
  • Pinataas din ang first spawn time ng Lithowanderer mula 43s papuntang 48s

MLBB Patch 1.6.94 equipment adjustment

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Bloody Retribution

  • Pinababa ang Extra HP Bonus mula 25% papuntang 20%

Blade Armor

  • Pinahina ang Damage Reflection Ratio mula 25% patungong 20%
  • Pinababa ang Craft Cost mula 1960 na ngayon ay 1910 na lamang

Radiant Armor

  • In-adjust ang Damage Reduction mula 3-10 papuntang 5-8
  • Pinamura ang Craft Cost mula 1980 na ngayon ay 1880 na lamang

Athena’s Shield

  • Pinaigsi ang Duration mula  5s dati na ngayon ay 3s na lang

Glowing Wand

  • In-adjust ang Burn Damage mula 1-2% Max HP (at 1-3 Stacks) papuntang 0.5-2.5% Max HP (at 1-5 Stacks)

Genius Wand

  • In-adjust ang Magic Defense Reduction mula 2-9 to 3-7

Blood Wings

  • Tinaasan ang Magic Power mula 150 patungong 175

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Franco Iron Hook settings para sa mas madali itong mapatama