Ipinakilala na sa wakas ng Team Secret ang mga miyembrong bubuo sa roster na isasabak nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 11 (MPL MY Season 11).

Matagal-tagal pinahapyaw ng tanyag na esports organization ang pagbuo nila ng MLBB roster. Nakumpirma lang ito noong ika-17 ng Pebrero nang opisyal na ianunsyo ng Moonton ang mga koponang lalahok sa susunod na season ng liga.

2 Pinoy bibida sa MLBB roster ng Team Secret sa MPL Malaysia Season 11
Credit: ONE Esports

Ilang araw bago ang ika-10 ng Marso, ang nakatakdang petsa para sa simula ng turneo, isinapubliko na ang MLBB roster ng Team Secret at ito ay pinagbibidahan ng dalawang Filipino players.

Kasama sa lineup ang dating miyembro ng TNC Pro Team na si Salman “KingSalman” Macarambon at amateur player na si Santi “Santi Sucre” Noble.

Gagabayan ang koponan ng dating coach ng Todak na si Ariff “Amoux” Iswandi.


MLBB roster ng Team Secret sa MPL Malaysia Season 11

2 Pinoy bibida sa MLBB roster ng Team Secret sa MPL Malaysia Season 11
Credit: Team Secret
  • Muhammad “Aim” Abas
  • Low “Deto” Siew Meng 
  • Muhammad “Neo” Ahmad
  • Salman “KingSalman” Macarambon
  • Santi “Santi Sucre” Noble
  • Hadiazwan “Box” Rosli
  • Ariff “Amoux” Iswandi (Coach)

Nakatakdang buksan ng Team Secret ang kanilang kampanya sa MPL MY Season 11 kontra RSG Slate Malaysia na pinalalakas ng dating Bigetron Alpha player na si Muhammad “Rippo” Halim. Idaraos ang kanilang laban sa ika-10 ng Marso.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito raw ang lamang ng dating team ni Coach Aldo na ONIC Esports sa bago niyang team na Bigetron Alpha