Malaki ang napatunayan  ni Michael “MobaZane” Cosgun at ng kaniyang BloodThirstyKings sa tapat ng pinakamagagaling na Mobile Legends: Bang Bang teams sa buong mundo noong M3 World Championship.

Hindi lamang ang kanilang desenteng third place finish ang gumulantang sa mga miron noong M3, ang koponan ni MobaZane ang tumulak sa paboritong Blacklist International papunta ng Lower Bracket na nagpagulong ng isa sa mga mala-alamat na comeback storylines sa mundo ng Esports.

Bagamat susi ang kaniyang jungle gameplay sa pagpapahirap na ginawa kontra sa kalunan ay M3 World Champions, nanatili ang paghanga ng NA superstar lalo na sa kaniyang jungler counterpart na si Danerie “Wise” Del Rosario ilang linggo makalipas ang kampyonato.


MobaZane nagsalita tungkol kay Wise

Credit: Moonton

Sa kaniyang Youtube livestream, rumesponde ang BTK jungler sa isang fan na nagsabing ang jungler na may pinakamaraming kills sa M3 World Championship ang pinakamagaling sa role na ito, na mariin namang itinanggi ni MobaZane.

“No! Because look at Wise bro,” aniya. “Wise probably doesn’t have as many as kills as me, Kairi, but he literally (swept) the second place team,”

Dagdag pa niya, hindi raw nakakakuha ng credit si Wise bilang isa sa mga bukod-tanging jungler sa laro. Bukod dito, kung hindi raw magaling ang Blacklist jungler ay malamang daw ay hindi aabot sa kampyonato ang koponan.

 “Of course he’s great, people just don’t give him enough credit because he goes for Aldous or Hylos,” paliwanag ni MobaZane.

Sundan ang pinakahuling istorya tungkol sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Top 5 na plays mula sa M3 World Championship