Nanaig ang Multiplayer online battle arena (MOBA) games sa esports eksena noong 2021 partikular na ang Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2 at League of Legends na tatlo sa most viewed esports titles.
Kaugnay nito, maraming nagulat na mas mataas ang esports viewership ng Mobile Legends kumpara sa Dota 2 noong nakaraang taon base sa huling report ng Esports Charts.
Mas mataas sa listahan ng top esports games sa 2021 ang Mobile Legends kaysa Dota 2

Patuloy na lumalago ang Mobile MOBA esports salamat sa Mobile Legends ng Moonton. Sa inilabas na report ng Esports Charts, pangatlo ang mobile game sa top game of 2021 kung pagbabasihan ang viewership. Nagtala ang title ng tumataginting na 387 million hours watched.
Malaki ang agwat nito sa kasunod na esports title na Dota 2, na nagtala naman ng 348 million hours watched para sa ikaapat na puwesto sa listahan. Mababalikan na noong nakaraang taon lang din sinimulan ng esports title ang kanilang competitive season matapos makansela ang kanilang 2020 schedule dahil sa COVID-19 pandemic.
Kahit pa dala ng The International (TI10) ng pinakamalaking prize pool sa mundo ng esports na US$40M, ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok ang Dota 2 sa top three ng most viewed games sa listahan ng Esports Charts.

Ang most watched game ng 2021 ay ang League of Legends na may dambuhalang 664 million hours viewership. Itinala rin ng esports title ang 4 million peak viewers sa idinaos na League of Legends World Championship 2021 (Worlds) finals series na kinatampukan ng DWG KIA at Edward Gaming.
Heto ang kumpletong listahan ng most watched esports sa 2021:
| PLACE | GAME | HOURS WATCHED |
| #1 | League of Legends | 664.1M |
| #2 | Counter Strike: Global Offensive | 410.8M |
| #3 | Mobile Legends: Bang Bang | 387.2M |
| #4 | Dota 2 | 347.6M |
| #5 | PUBG Mobile | 216.7M |
Nakakuha din ng puwesto ang larong Valorant ng Riot Games sa top games na kaunti lamang ang agwat sa PUBG Mobile.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Blacklist International most engaged esports organization ng 2021